Aktor sukdulan ang kabastusan, pati mga beki minamanyak | Bandera

Aktor sukdulan ang kabastusan, pati mga beki minamanyak

Cristy Fermin - December 08, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM MALE 0316

DAHIL sa kinahinatnan ng isang male personality ay nagbubunyi ang maraming becking madalas niyang makasama sa trabaho. Beh, buti nga, ‘yun lang ang naging reaksiyon ng mga ito sa indultong dumating sa kanyang buhay.

Matagal na rin pala kasing binu-bully ng lalaking personalidad ang mga becki, kung anu-anong kabastusan ang kanyang ginagawa, hindi lang nagsasalita ang mga ito dahil inaalihan ng takot sa kanya.

Pero sabi nga ng mga becki, dinalaw na ni Carmi Martin ang mokong, dumating na rin sa kanya ang takdang panahon. Nagbubunyi ang mga becki dahil mukhang ito na ‘yun!

Kuwento ng aming source, “Grabe naman kasi talaga si ____ (pangalan ng aktor na nalalagay sa alanganin ngayon ang career)! Imagine, pati ba naman ang mga becking nakakatrabaho niya, e, ganu’n na lang kung pagbabastusin niya!

“Sa set mismo, binababoy niya ang mga becking nagme-make-up sa production. Nandiyang hipu-hipuan niya ang mga becki, nandiyang sabihan niya kung puwede bang tumuwad ang pobre para kuno niya tsuktsakin!

“Ganu’n siya kababoy! Hindi lang talaga siya mapatulan ng mga becki dahil ang palagi niyang dahilan, e, magwawala siya! Nu’ng minsan nga, e, sobrang pangta-trash talk ang ginawa niya sa mga becki!

“Gaano raw ba kalaki ang butas ng mga wetpax nila, kung susukatin daw siguro niya ‘yun, e, super-laki na, dahil sa kararampa ng mga becki sa kung saan-saan!

“Bastos talaga siya, ‘yan ang nararapat sa kanya, dapat lang siyang maparusahan dahil ang bastos-bastos talaga niya! Ang akala siguro niya, porke pinalalampas lang ng mga walang kalaban-labang becki ang pambababoy niya, e, wala na siyang makakatapat!

“Ngayon, ano’ng nangyari sa kanya, nganga! Buti nga sa kanya, kumanta na lang siya ng Jingle Bells, tutal naman, e, malapit na ang Pasko!” buwisit na buwisit na hirit ng aming impormante.

Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan n’yo pa ba naman ng clue para lang mahulaan n’yo kung sino ang bastos na male personality na ito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending