Baron sa ‘ban order’ ng PAMI: Ayoko na ng drama sa buhay, I’m willing to wait!
TINATANGGAP ni Baron Geisler ang naging desisyon ng Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) hinggil sa reklamong inihain ni Ping Medina matapos niya itong ihian sa shooting ng indie film na “Bubog”.
Nagkasundo ang mga talent manager na hindi muna nila papayagan ang kanilang mga alagang artista na makasama sa anumang proyekto si Baron. Kasabay nito, hindi rin nila papayagan ang kanilang talents na makatrabaho ang direktor ng “Bubog” na si Arlyn dela Cruz.
Pero sabi ni Baron, sana raw ay naging patas ang pagresolba ng mga opisyal at miyembro ng PAMI sa nasabing kaso. Naniniwala kasi si Baron na lahat naman daw silang sangkot sa isyu ay may pagkukulang.
“There are things that need to be dealt with in a legal matter. So, let’s wait and see. Kailangan kasi patas ang ipapataw sa akin.
“Lahat po kami, sa mga part namin, siguro po naging unprofessional po ang lahat ng mga tao du’n, lalo na ako. Kunin na lang po nila ‘yong behind the scenes, especially the last scene na may ihi. If you can see the entire behind the scene,” paliwanag ng aktor sa isang panayam.
Muli humingi ito ng paumanhin sa mga taong sangkot sa kaso, “I am sorry to Ping. I am sorry to Ms. Arlyn. Gaya nga ng sinabi ko, it’s a big misunderstanding. I think lilipas din po ito.”
Hirit pa ni Baron, “PAMI, I am sorry. If you do not want me to work with your co-actors or stars, I will understand. But sana maging (fair) po sila, alamin kung ano talaga ang katotohanan.”
Medyo kumalma na raw siya ngayon matapos matanggap ang desisyon ng PAMI, “Ayaw ko na po ng drama sa buhay ko dahil marami na. My mom is like a month or two months (na sa ICU). So, I’m just here. For now, I have to do what I have to do for my family. I’m willing to wait.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.