Luis dapat tularan ng ibang artista, buhok ang gamitin sa drug test
ANG buong akala ng publikong nag-aabang ay mabubunyag na ang mga pangalan ng celebrities involved in drugs, pero mismong si Pangulong Rody Duterte na ang nagpahayag he won’t drop the bomb.
Matagal-tagal nang palaisipan kung sinu-sino ang nasa drug list na ‘yon, and has been met with dissenting opinions among showbiz folk themselves kung dapat nga bang isapubliko o hindi.
Sana’y pagpapaliban lang ‘yon but ultimately ay ilalantad din in due time. What’s due time for us is the end-result ng isang masusi at mabusising pagtse-check at pagdo-doublecheck (and cross reference) ng listahan para maiwasan ang nagkakaisang pangamba ng mga artista: ang malagay sa kahihiyan sa mata ng publiko.
If it’s just for the sake of meeting the quota at the President’s pleasure—but logistically inaccurate—hayaan na lang mabulok ang listahang ‘yon until history forgets about it.
Samantala, kapuri-puri para sa amin ang ginawang pagbabando ni Luis Manzano ng kanyang negative drug result on his Facebook account, this should put to rest the issue na kabilang umano siya sa mga drug user-celebrities.
Kumbaga sa diskusyon, end of argument. Sana tularan si Luis ng iba pang mga artista na willing magpa-drug test gamit ang hair or blood sample para mas reliable ang result.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.