Angelina Jolie hindi na makatiis sa ugali ni Brad Pitt, nakipaghiwalay na | Bandera

Angelina Jolie hindi na makatiis sa ugali ni Brad Pitt, nakipaghiwalay na

- September 21, 2016 - 11:26 AM

TINAPOS na ng popular na aktres na si Angelina Jolie ang relasyon nito sa kapwa niya sikat na si Brad Pitt, at sinasabing nag-file na ito ng divorce laban sa asawa.

Ibinandera ng TMZ ang balita ng hiwalayang Brangelina Lunes ng gabi matapos ang diumanoy’y pagpa-file ng aktres ng divorce laban sa asawa sa dahilan “irreconcilable differencece”.

Tinutukan ng mundo ng showbiz ang relasyon ng dalawa simula nang malantad ang kanilang relasyon noong 2004, at ikinasal sa kanilang tahanan sa France noong 2014.

Ayon sa balita, nag-file si Angelina ng divorce noong Sept. 19 dahil di na siya makatiis sa parenting style ng asawa sa kanilang mga anak.  Bukod dito ay may anger issue rin ang aktor dulot nang pagkakalulon sa damo at alcohol.

Sa kanyang petisyon, hiniling ni Angelina ng solong kostodiya para sa kanyang anim na anak —Maddox Chivan, Max Thien, Zahara Marley, Shiloh Nouvel, Knox Leon, and Vivienne Marcheline— kahit walang suporta mula sa kanyang mister.  Gayunman, hiniling niya na bigyan ang mister ng visitation rights.

Kinumpirma naman ni Brad ang tungkol sa divorce.  “I am very saddened by this, but what matters most now is the well-being of our kids. I kindly ask the press to give them the space they deserve during this challenging time,” sey ni Brad sa People Magazine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending