6 pang tulak patay sa pulis sa Cavite, Laguna | Bandera

6 pang tulak patay sa pulis sa Cavite, Laguna

John Roson - June 22, 2016 - 03:53 PM

cavite

Anim pang hinihinalang tulak ng shabu ang napatay nang umano’y makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng operasyon kontra iligal na droga sa Cavite at Laguna Martes at Miyerkules, ayon sa pulisya.

Napatay sa pinakahuling operasyon kahapon ang tatlong hinihinalang pusher sa Netherland st., Country Meadow Subd., Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite.

Dadakpin sana ng mga pulis si Evan Sevilla sa bisa ng arrest warrant alas-12:20 ng madaling-araw, nang abutan siyang nakikipag-“pot session” sa dalawang kasabwat, ayon sa ulat ng Cavite provincial police. Pinaputukan umano ng tatlo ang mga operatiba nang matunugan ang kanilang pagdating, kaya gumanti ang mga pulis. Narekober kay Sevilla at dalawa niyang kasama ang tatlong kalibre-.38 revolver, mga sahcet ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia. Alas-10:35 ng gabi Martes naman ay napatay naman ng mga pulis ang hinihinalang drug pusher na si Jerry Abundo sa Brgy. Muzon 1, Rosario. Nakuhaan ang suspek ng kalibre-.38 pistola. Ilang minuto lang bago ito, dakong alas-10:30, napatay din ang hinihinalang drug pusher na nakilala lang sa alyas na “Orly” sa Tulip st., Villa Esperanza, Brgy. Molino 2, Bacoor City. Nagsagawa ang mga pulis ng buy-bust operation para madakip si “Orly,” pero nauwi ito sa barilan. Nakuhaan ang suspek ng isang kalibre-.45 pistola na may limang bala, dalawang sachet ng hinihinalang shabu, P700 na buy-bust money, at drug paraphernalia. Dakong alas-3:15 naman ng umaga, napatay din sa buy-bust operation ang hinihinalang pusher na si Jommel Cambel sa Sitio 2, Brgy. Oogong, Santa Cruz, Laguna. Matapos bentahan ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu ang isang police poseur-buyer ay nanakbo sa loob ng bahay si Cambel at pinaputukan ang operatiba, na kagyat namang gumanti, ayon sa Laguna provincial police. Narekober kay Cambel, na number 6 sa drug watchlist ng Santa Cruz, ang P200 marked money, apat na sachet ng hinihinalang shabu, kalibre-.38 revolver, aluminum foil na may shabu residue, at ilan pang nilukot na piraso ng foil. (John Roson) – end –
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending