Cayetano: My mouth is my asset, liability | Bandera

Cayetano: My mouth is my asset, liability

Leifbilly Begas, Lisa Soriano - May 04, 2016 - 04:47 PM

cayetano

(Editor: Ika-apat na serye ito para sa mga tumatakbong pangalawang pangulo. Una na naming nailabas si Senador Antonio Trillanes IV, Camarines Sur Rep. Leni Robredo, Senador Francis Escudero at bukas o sa makalawa ay sina Senador Bongbong Marcos at Gringo Honasan naman. Ito ay para bigyan kayo ng dagdag na kaalaman habang kayo ay pumipili ng inyong ihahalal sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.)

TULAD din ng kanyang presidentiable, matalim din ang pananalita nitong si vice presidential bet na si Senador Alan Peter Cayetano, lalo na sa mga tinuturing niyang kalaban ng bayan at mamamayan.
Nilabanan niya ang mga sinasabing tiwali sa gobyerno at ganyan din ang kanyang ipinapangako sa sambayanan sakaling siya ay mahalal bilang pangalawang pangulo.

“My mouth is my asset and liability,” ang pabirong sabi ni Cayetano sa isa sa mga panayam ng Inquirer.
Ang talas ng kanyang pananalita ang siyang panlaban niya sa mga korap sa gobyerno. Kilalanin pa ang isa sa anim na kandidato sa pagkapangalawang pangulo na si Cayetano, ang ka-tandem nang ngayon ay nangungunang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Alamin kung ano-ano ang kanyang mga plataporma at plano sakaling siya ang palaring ihalal sa Mayo 9.

Krimen

“It’s not building a train or a road that you need two years or three to do. It starts political will. For criminals it is not the penalty, it is the certainty that you will be caught and you will be punished,” ayon kay Cayetano sa ginawang panayam ng Inquirer.net kamakailan.

Tiwala si Cayetano na mapaninindigan niya at ng kanyang kaparehang si Duterte na magagapi ang kriminalidad sa loob ng anim na buwan, gaya nang kanilang naipangako. Naniniwala si Cayetano na silang dalawa lang ang may ganito ka-konkretong plano.

Simple lang anya ang kanilang balak: “Tell the criminals, you will be either be in jail, not the five star Muntinlupa and you will suffer. You will have a rehab program, or, two if you fight, you will be in the cemetery. If you stop you will be ok. The Duterte-Cayetano team have the political will to tell the criminals that crime doesn’t pay.”

Extra judicial killings, Martial Law

Sa mga pahayag ni Duterte natatakot naman ang karamihan na baka maging legal ang extra judicial killings sa pamamagitan ng pagsasabatas uli ng Martial Law pero siniguro ni Cayetano na hindi ganito ang punto nila.

“Mayor Duterte has made very clear instructions to be always within the bounds of the Constitution. Never extra judicial killings.”

Climate of respect at hindi climate of fear ang kanilang paiiralin sakaling manalo silang dalawa.
Pero iginiit nito na ang Duterte presidency ay magiging disaster.
““Yes a Duterte presidency will be a disaster. It will be a disaster for drug lords, criminals and corrupt public officials.”

Pagtaas ng SSS pension

“Social security is meant to help our pensioners after their retirement cope with the costs of living without their regular salaries. But what good is social security if what they get is so low and cannot even meet their barest needs,” ayon kay Cayetano. Naniniwala rin ang senador na dapat pagtuunan ng pansin ay ang internet connectivity.

Internet

Ayon sa kanya, korupsyon din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay mahina pa rin ang internet connection sa bansa. “The reality is we were delayed a little bit because of the internet. In gross revenues it caused a couple of hundred billion pesos. In terms of profit it cause P50 billion pesos. If we have fast internet we don’t have to pay per minute or get the unli promos.

Own person

Iginiit din ni Cayetano na hindi niya kailangan na makisakay siya sa pangalan ni Duterte dahil kilala na rin naman anya ng publiko ang kanyang rekord bilang isang public servant.

Same values

Hindi rin naman daw siya naalangan sa kung anong values meron ang kanyang katandem bagamat ito ang ibinabato sa kanya ng mga kalaban.
Anya, pareho sila ng values ni Duterte at may malalim na paniniwala sa Diyos kahit tila hindi ito obvious.
“I am not saying na pareho kami ng belief ni Mayor Duterte sa lahat. I am just saying core values and how we want to change the country.”

Gloria Arroyo

Nilinaw naman ni Cayetano ang isyu na palalayain diumano ni Duterte si dating pangulong Gloria Arroyo kung sakaling mahalal ito sa pagkapangulo.

“Si Mayor is not a politically right type of politician and will see how it will come out on people. He will just answer it directly. At tinanong sya kay Bong Revilla. If the evidence is weak should he be out on
bail?
And what does the Constitution say if you remove the words Bong Revilla. If the case is punishable by reclusion perpetua or higher no bail. So pag weak pakawalan mo.”

Pero dahil nga matunog ang pangalang Napoles at Bong Revilla ay mali ang pagkaintindi ng ilan. Pareho lang din ito nu’ng tinanong sya tungkol kay GMA.

Anong kapalaran ni Alan?
KASALUKUYANG senador si Alan Peter Cayetano, at kaanib ng Partido Nacionalista.
Isa siya sa anim na kandidato sa pangalawang pangulo at katandem ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sa mga survey, consistent siyang nasa ika-apat na pwesto.
Isinilang noong October 28, 1970, sa Mandaluyong City, 45 taong gulang at kasalukuyang naninirahan sa Bagumbayan, Taguig City.
Siya ay may zodiac sign na Scorpio, sa birth date na 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=1), sa destiny number na 1 (10+28+1970=2008/ 20+08=28/ 2+8=10/ 1+0=1).
Scorpio
Ang zodiac sign na Scorpio ay nagsasabing upang magtagumpay sa lahat ng layunin, hindi dapat maging matigas ang ulo. Sa halip, para higit na bumuti ang kapalaran, kailangan sumunod sa mga payo at mungkahi ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay.
Sa pagiging “one-track-mind” hindi lang lumalabas ang kanyang kayabangan at laging may paniwala na siya lagi ang tama. Ang problema, sa huli, doon lang matutuklasan na mali pala ang kanyang pagpapasya, na siya namang magsasadlak sa kanya sa mabigat na kabiguan.
Ibig sabihin kapag si Cayetano ay hindi matutong makinig sa mga payo ng mga kaibigan at mahal sa buhay, siguradong sa kabiguan siya mauuwi.
Hindi dapat magmadali sa pagdedesiyon; mentras na nag-aapura, lalo lang mamamali sa diskarte.
Pag-ibig, relasyon
Sa pag-ibig at pakikipag-relasyon, hindi dapat mag-paalipin sa simboyo ng emosyon at damdamin na kadalasang nagiging hadlang upang makita niya ang tunay na katangian ng isang tao.
Kaalinsabay nito mas makabubuti ring iwasang umibig nang todo-todo dahil ang sobrang pagmamahal sa “love object” ay mag-iiwan ng grabeng kabiguan sa bandang huli.
Mapalad na araw para kay Cayetano ay ang araw ng Lunes, Martes at Huwebes.

Numeric Analysis
Dahil 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=1) ang kanyang birth date at destiny number (10+28+1970=2008/ 20+08=28/ 2+8=10/ 1+0=1), ka-affinity niya ang numerong 4 at 8. Ibig sabihin likas na mapalad si Cayetano sa numerong 1, 4 at 8.

Ito rin ang dahilan kung bakit naging ka-tandem niya si Duterte na isinilang noong March 28, 1945.

Pansining si Duterte ay may birth date ding 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=1). Ibig sabihin, kusang lalapit kay Cayetano ang mga numerong 1, upang siya ay bigyan nito ng magandang kapalaran.

Dahil 1 ang kanyang birth date at destiny number, siya ang nasa unang listahan ng Comelec.
Panisinin ding sa edad na 28 (2+8=10/ 1+0=1) siya ay nahalal bilang kongresista ng Taguig.
Pansinin ding sa edad na 37 (3+7=10/ 1+0=1), siya ay nahalal bilang senador, sa ika-14th Congress.
Habang sa edad na 40, (4+0=4) si Cayetano ay ginawaran at kinilala bilang Top Outstanding Young Men (TOYM 2010), for exemplary work in government and public service.

Ibig sabihin ang numerong 1 at 4 ay sadyang namamayani talaga sa kanyang karanasan at ito ring mga numerong ito ang kusang magdadala sa kanya sa tagumpay at magandang kapalaran pagdating ng tamang panahon.

Lucky Numbers:
Kaya nga tulad ng nasabi na, sadya at tunay ngang papalarin si Cayetano sa numerong 1, 4 at 8 at lahat ng numerong may sumatotal na 1, 4 at 8, ay kanyang magiging lucky numbers.

Lucky Charms
Bukod sa kulay dilaw at pula, si Cayetano ay sadyang magiging mapalad sa panahon ng tag-araw, tulad ng buwan ng Abril hanggang Mayo, ganon din sa buwan ng Oktubre at Nobyembre, habang ang batong opal at beryl na ipapalamuti sa gintong singsing ay magsisilbing dagdag na pang higop ng suwerte at magandang kapalaran. Habang ang “charitable deeds” o mga “lihim na pagtulong sa charitable institutions at sa mga nangangailangan, kung kanyang gagawin ang magsisilbing “vertud” upang tuloy-tuloy pa siyang magtagumpay at lumigaya habang buhay.

Lucky Years
Likas siyang magtatamo ng mas marami pang magagandang kapalaran sa edad niyang 46 pataas sa taong 2017 at sa taong 2025 at 2026 sa edad niyang 55 pataas.

Kalusugan at iba pa
Dahil ang numerong 1 ay may buntalang Sun, kahit matalo sa darating na eleksyon, tuloy-tuloy na sisikat at magniningning ang kapalaran ni Cayetano, basta’t iwasan lang ang sobrang ego at kayabangan.
Kasabay nito, kung magagawa nya lang na magpakadalubsa sa sining ng “diplomasya at kababaang loob” sa halip na laging nakakontra at naninira ng mga kalaban – darating ang panahong madadaig nya pa ang mahusay na pamumuno ng mga unang taon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Iwasang maglunsad ng mga mahahalagang proyekto at iwasan ding maglalabas ng bahay sa buwan ng Hunyo, higit lalo sa mga petsang 6, 15, 24, at 30 – sa nasabing mga petsa at buwan dagdag na pag-iingat din ang dapat ipatupad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

QUICK FACTS

Full Name: Alan Peter Cayetano
Age: 46 years old
Birthdate: October 28, 1970
Place of birth:
Current residence: Taguig City
Current occupation: Senator, Republic of the Philippines (since 2007)
Social media account:
https://www.facebook.com/alanpetercayetano

Education:
Primary: De La Salle Zobel
Secondary: De La Salle Zobel
Tertiary: BA Political Science, University of the Philippines Diliman (Graduated 1993)
– Juris Doctor, Ateneo School of Law (Graduated 1997)
Immediate family
Father: Renato Cayetano
Mother: Sandra Schramm
Wife: Taguig City Mayor Maria Laarni Cayetano
Sister: Sen. Pilar Juliana “Pia” Cayetano
Brother: Taguig Rep. Lino Cayetano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending