'Euro general' pinayagang makadalo sa kasal ng anak | Bandera

‘Euro general’ pinayagang makadalo sa kasal ng anak

- January 29, 2016 - 05:31 PM

MATAPOS payagang makapunta sa libing ng nanay at kapatid, pinayagang muli ng Sandiganbayan ang isang akusado sa  “Euro general” scandal  na makadalo sa kasal ng anak na babae.

Inaprubahan ng Sandiganbayan Fourth Division ang walong-oras na furlough ni Eliseo Dela Paz para makapunta sa kasal ng kanyang anak na si Hannah Mae sa Pebrero 5 mula alas-2 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Pinayagan si Dela Paz na makapunta sa kasal at reception sa Rigodon Ball Room ng Peninsula Manila.

Nakakulong si Dela Paz sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa kasong malversation of funds.

“The wedding of one’s child is one of our life’s most important and memorable rite in a family,” sabi ni Dela Paz.

Isa si Dela Paz sa mga opisyal ng PNP na kinasuhan kaugnay ng umano’y ilegal na allowance ng isang grupo ng mga general na dumalo sa isang conference sa Russia noong 2008.

Pinigil na makasakay ng eroplano si De la Paz sa Moscow airport matapos makumpiska sa kanya at kanyang asawa ang hindi idineklarang  105,000 euros (P6.9 milyon).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending