2015: Taon ng Kamatayan, Hiwalayan
UNA-UNA lang ika nga nila. Hindi natin kontrolado ang mga bagay-bagay na nangyayari sa mundo – lalo na ang kamatayan. Ilang kilalang celebrities ang namaalam nitong taong 2015.
Ang ilan sa kanila ay pumanaw sa tahimik na paraan, ngunit meron ding talagang ikinagulantang ng buong bayan. Alalahanin natin ang bawat isa sa kanila at ipagdasal bago mamaalam ang taon.
Jam Sebastian
Sumikat sa YouTube ang tandem na JaMich, ang real life couple na sina Jam Sebastian at Mich Liggayu. Naging instant celebrity ang dalawa dahil sa kanilang mga nakakaaliw at nakaka-inspire na music video. Pero noong Marso 4, pagkatapos ng isang matinding pakikipaglaban sa cancer ay binawian na ng buhay si Jam.
Ilang araw bago pa siya mamatay ay nabalita na hiningi niya sa kanyang ina ang “mercy killing” pero tumanggi ang ginang. Ang nakakalungkot lang matapos mamatay si Jam, nagkapalitan pa ng maaanghang na salita ang ina ng binata at si Mich dahil sa naiwang ari-arian ni Jam.
Liezl Martinez
Natapos naman ang pakikipaglaban ng dating child star na si Liezl Martinez sa sakit na breast cancer noong March 14 sa edad na 47. Pitong taon din siyang naghirap dahil sa Big C. Inulila nito ang mga magulang na sina Romeo Vasquez at Amalia Fuentes, ang asawang si Albert Martinez at ang tatlo nilang anak.
Sumailalim sa iba’t ibang the-rapy si Liezl at unti-unting gumaling. Pero noong 2011 ay sinabi ng mga doktor na bumalik ang kanyang sakit hanggang sa hindi na kinaya ng misis ni Albert ang pain. Ayon kay Albert, ito na raw ang pinakamalungkot niyang Pasko.
Naging kontrobersiyal din ang pagkamatay ni Liezl dahil sa kanyang inang si Amalia. Naglabas kasi ng sama ng loob ang veteran actress kay Albert sa mismong burol ng anak.
Ricardo Reyes
Namatay ang komedyanteng si Richie D’ Horsie (Ricardo Reyes sa tunay na buhay) noong Abril. Siya ay kilalang sidekick ni Vic Sotto sa mga pelikula nito. Noong nakulong si Richie dahil sa drug possesion si Bossing ang nagpiyansa sa kanya. Noon pang 2009 nagkakaroon ng health issues si Richie hanggang bumigay na rin ang kanyang katawan.
Gary Ignacio
Ang Alamid vocalist naman na si Gary Ignacio ay namaalam sa kanyang mga mahal sa buhay at mga tagasuporta noong April 17. Nagkaroon kasi ng kumplikasyon sa sakit niyang cancer sa kidney. Ilan sa mga pinasikat niyang mga kanta ay “Your Love” at “China Eyes”.
Roel Cortez
Kilalang-kilala si Roel Cortez sa kanyang classic hit song na “Napakasakit Kuya Eddie”. Pumanaw ito noong Abril. Binawian siya ng buhay ng dahil sa sakit na stage four colon cancer. Sa isang interview noon ay bedridden na ang mang-aawit at nasabing sawa na siya sa buhay na puro na lang sakit.
Julia Buencamino
Na-shock naman ang madlang pipol nang bumandera noong July 7 ang balitang nagpakamatay ang Oh My G! star na si Julia Buencamino. Siya ay anak ng award-winning character actor and actress na sina Nonie at Shamaine Buencamino.
Ayon sa kanyang talent manager na si Ricky Gallardo, walang senyales na depress ang dalaga. Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang pamilya ng dalagita tungkol sa tunay na dahilan ng pagsu-suicide nito.
Pocholo Montes
Si Pocholo Montes ay kilala sa mga pelikulang “Babangon Ako’t Dudurugin Kita” at “Orapronobis”. Siya ay namatay dahil sa kumplikasyon sa pneumonia at impeksyon noong July 15. Ang veteran actor ay 69 taong gulang.
Jimboy Salazar
Dating miyembro ng That’s Entertainment ang singer-actor na si Jimboy na naging kontrobersyal dahil sa naging relasyon nila ni Mahal. Pero mas nagulantang ang showbiz nang umamin siyang bading at ipinagmalaki pa ang rela-syon niya sa isang OFW. Pumanaw siya noong July 23 dahil din sa pneumonia. Bago pa ito, napa-interview pa si Jimboy sa Startalk kung saan itinanggi niyang meron siyang AIDS.
Amado Pineda
Si Amado Pineda ang unang-unang weatherman ng GMA 7 na binawian ng buhay noong Agosto dahil sa cardiac arrest. Siya ay 77 taong gulang. Isang meteorologist ng PAG-ASA si Amado at naging kilalang weatherman ng nasabing istasyon mula 1970’s hanggang 1980’s.
Ozu Ong
Kagimbal-gimbal naman ang pagkamatay ng Masculados Dos member na si Ozu Ong na binaril hanggang mamatay noong Aug. 2. Pinaniniwalaang binaril ang hunk singer-actor matapos mabiktima ng carjacking ilang metro lang ang layo sa subdivision kung saan siya nakatira. Hustisya naman ang sigaw ng kanyang mga naulila.
Elizabeth Ramsey
Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa veteran singer and comedian na si Elizabeth Ramsey? Siya at ang kanyang kakaibang paraan ng pagkanta ay nagpasaya ng maraming Pinoy here and abroad. Naospital siya at na-comatose ng tatlong araw at binawian ng buhay noong Oct. 8 dahil sa kumplika-syon sa diabetes. Sa kanyang pagpanaw ay hindi siya iniwan ng anak na si Jaya. Nagpasalamat ang Soul Diva na kahit paano ay payapa ang pagkawala ng kanyang ina na namatay habang ito ay natutulog.
Rizzini Alexis Gomez
Ang Miss Tourism 2012 na si Rizzini Alexis Gomez ay pumanaw sa sakit na lymphoma noong Oct. 23. Bumuhos naman ang simpatya mula sa Mutya ng Pilipinas at mga nakasama ni Miss Tourism.
Nolyn Cabahug
Namayapa naman ang tinaguriang Tenor of the Philippines sa sakit na renal failure noong Nob. 2. Naghayag naman ng simpatya ang mga kaibigan niya sa industriya at nagkaroon pa nga ang mga ito ng benefit concert para sa kanya.
Willy Milan
Nito lang Nobyembre nang mamaalam ang film actor/producer/director na si Willy Milan o Wilfredo dela Cruz sa totoong buhay. Siya ay namatay sa atake sa puso. Nakilala si Willy sa kanyang mga maaaksiyong pelikula.
Letty Jimenez-Magsanoc
Isa sa itinuturing na haligi sa mundo ng pamamahayag si Letty Jimenez-Magsanoc, editor in chief ng Philippine Daily Inquirer. Bisperas ng Pasko nang sumakabilang-buhay ang EIC ng PDI. Bukod sa kanyang pamilya, mga kaanak at katrabaho, nakiramay din ang ilang kawani ng gob-yerno kabilang na si Presidente Noynoy Aquino. Kinilala nito ang mga naiambag ni Magsanoc sa paghahayag ng katotohanan sa bansa.
Ilang celebrity couple rin ang tila “namatayan” matapos mauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Malas sila ngayong taon pagdating sa lovelife pero unti-unti ring naka-move on sa nawasak na pag-ibig.
Sa simula pa lang ay marami na ang kumontra sa relasyong Maja Salvador at Gerald Anderson. Nega agad ang pagsisimula nila bilang magdyowa. Ang paniwala kasi ng marami ay tinraydor ni Maja ang BFF niyang si Kim Chiu na ex-GF nga ni Gerald. Talagang ibinandera ni Kim ang kanyang sama ng loob sa kanyang bestie.
Pero sa kabila nito, “you and me against the world” pa rin ang drama ng dalawa. Pinag-usapan pa nga ng bonggang-bongga ang paggamit ng helicopter ni Gerald sa date nila ng ex-dyowa. Hanggang sa ma-blind item na nagkakalabuan na sila.
Idinenay pa nila nu’ng una ang break-up pero umamin din sa huli Maiskandalo naman ang muling paghihiwalay nina JM de Guzman at Jessy Mendiola. Nag-break sila noon pero nagdesisyong magbalikan para lang mag-break uli.
Hindi pa rin malinaw kung bakit muling nasira ang kanilang pag-iibigan pero marami ang nagsasabi na may kinalaman ito sa nangyaring gulo sa loob ng eroplano na kinasangkutan nina Jessy, Enrique Gil at Liza Soberano. May kuwento rin na inutusan diumano si Jessy ng kanyang ina na tapusin na ang konek nila ni JM.
Sinisisi naman ng mga fans nina Jasmine Curtis at Sam Concepcion si Anne Curtis kung bakit nag-break ang dalawa. Ayaw daw kasi talaga ni Anne sa binata para sa kanyang sister. Ipinaglaban ng magdyowa ang kanilang relasyon pero sa hiwalayan pa rin ang ending.
Inakala naman ng mga tagasuporta ni KC Concepcion na nahanap na nito ang kanyang “forever” sa katauhan ni Paulo Avelino. Nagsimula rin ang dalawa sa pagdedenay sa tunay nilang relasyon pero huli na nang aminin ni Paulo na naging sila – dahil nga split na sila. Sabi pa nga ng aktor noon, “Wala naman nagbi-break siguro na magkaibigan.” Pero napaamin din ang binata sa isang panayam. Sey ni Paulo, isa sa dahilan kung bakit hindi sila nag-work ni KC ay dahil sa oras.
Mala-isang linggong pag-ibig naman ang drama ni Kylie Padilla at ng ex-boyfriend nitong si Matt Henares, pinsan ni Rhian Ramos at anak ni Ronnie Henares ng Pepito Manaloto. Pagkatapos nilang mag-break ni Aljur Abrenica ay ang relasyon na nila ni Matt ang napabalita.
Ngunit mabilis lang itong natapos dahil hindi umubra sa kanila ang long-distance romance. Nagdesisyon silang mag-focus muna sa kani-kanilang career. Naging usap-usapan naman ang paghihiwalay ng dating Your Face Sounds Familiar contestant na si Myrtle Sarrosa at Brian Poe Llamanzares, anak ni Sen. Grace Poe. Ayon kay Myrtle na kilala rin bilang prinsesa ng Cosplay, naka-move on na siya sa break-up nila ni Brian pero tumanggi itong magbigay pa ng detalye sa kanilang paghihiwalay.
Kung matatandaan naman, nang-agaw ng eksena ang anak ni Grace sa presscon ng TV5 series na My Fair Lady nang biglang umapir si Brian para bigyan ng bulaklak si Jasmine. Inamin nitong crush niya ang dalaga at gusto nitong mas makilala pa ang sister ni Anne.
Kumalat naman kamakailan na hiwalay na rin sina Rocco Nacino at Lovi Poe. Bago pa matapos ang serye nilang Beautiful Strangers noong nakaraang buwan sa GMA ay kumalat na ang balitang break na sila.
Mismong ang mga fans nila kasi ang nakapansin na hindi na nagpo-post si Lovi ng mga pictures sa kanyang Instagram account na kasama si Rocco and vice versa. Mas lalo pang nagduda ang publiko nang magbakasyon ang Kapuso actress sa Italy minus her favorite travel partner.
Ayon naman sa ilang kaibigan ng dalawa hindi raw totoong hiwalay na ang magdyowang Kapuso stars. Sa katunayan, nag-post pa si Rocco ng isang litrato sa kanyang IG kung saan magkasama sila ni Lovi na dumalaw sa isang kamag-anak. So, hiwalay na ba talaga o hindi pa?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.