Daniel sa Bashers: Karapatan ko pong pumili ng iboboto ko!
KINUMPIRMA na ni Daniel Padilla na susuportahan niya si Presidentiable Mar Roxas sa 2016 elections.
Matatandaang nagpahayag na noon ang batang aktor nang makapanayam namin sa Quezon City Comelec Office na may naiisip na siyang ibobotong presidente sa 2016 pero pinag-iisipan pa niyang mabuti kaya hindi na muna niya ito pina-ngalanan. Kamakailan ay kumalat na ang online video ni Daniel kung saan sa kausap niya si former DILG Sec. Mar Roxas sa mismong bahay nila habang nagkakape.
Sa panayam ng ABS-CBN kay Daniel sinabi nitong karapatan niyang mamili kung sino ang iboboto niya.
Talagang nagparehistro raw siya para i-exercise ang karapatan niyang bumoto.
Sa nasabing online video na may titulong “Tanong ni Daniel Padilla Para sa Kabataan” ay diretso ang tanong niya kay Mar tungkol sa malalang trapik sa buong Metro Manila at kung ano ang solusyong magagawa rito. Ayon kay Mar, “Ginagawa na iyan at magpapatuloy ang pagtratrabaho niyan, at siguro sa mga susunod na taon ay kumpleto na iyan.”
Nabanggit din nito na mag-i-implement sila ng bagong sistema para sa mga gustong mag-franchise ng pampublikong sasakyan, Iyan ang sistema na ipapatupad natin para gumanda nga ang daloy ng trapiko.”
May video ring ipinakita na magkasama ang mag-inang Daniel at Karla Estrada na tumutulong sa mga naging biktima ng Yolanda kaya tinanong nila si Mar tungkol sa mga negatibong nasulat tungkol sa kanya na hindi raw nila kaagad inasikaso ang Tacloban.
Sinabi ni Mar na naroon na si Defense Secretary Voltaire Gazmin kinagabihan bago bumagsak sa lupa ang bagyong Yolanda at nakapag-distribute na raw ng relief goods, “Doon na nagsimula at hindi na kami bumitiw. Mula nu’ng dumating si Yolanda, hanggang mag-stabilize ang situation, at hanggang sa ngayon, two years later ay tinututukan pa rin natin ang pagbangon muli ng Tacloban at iba pang bayan at lalawigan,” paliwanag ni Mark sa mag-ina.
Samantala, nag-post naman si Korina Sanchez-Roxas sa kanyang Instagram account ng, “Went to Teen King Daniel Padilla’s beautiful house for his interview with Mar on several issues that kids today are wondering about like Traffic, Yolanda, jobs, etc. I’m SO impressed with Daniel. Matalino, nakatapak ang paa sa lupa, masipag, sincere — and so very cute, ha ha!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.