Kim ayaw nang makipagbalikan kay Gerald: Ok na po ‘yun, past is past! | Bandera

Kim ayaw nang makipagbalikan kay Gerald: Ok na po ‘yun, past is past!

Ervin Santiago - October 24, 2015 - 02:00 AM

kim chiu

PAYAG si Kim Chiu na muling makatrabaho ang kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson at ang dating bestfriend na si Maja Salvador sa ilang kundisyon.

Ayon kay Kim, maayos na naman ang relasyon niya sa dati ring magdyowa kaya wala namang isyu sa kanya kung magkasama-sama uli sila sa mga susunod nilang proyekto.

Pero sabi ng aktres, “Depende pa rin naman kasi sa kuwento, bahala na. Basta pag trabaho, trabaho tayo.” Sey pa ni Kim kahit daw nagkaayos na sila ni Maja hindi pa rin niya masasabi kung tuluyan nang maibabalik ang da-ting closeness nila, “Hindi ko alam, e.

Di natin alam, di ko alam. Basta okay kami. Ngayon, hindi lang siya laging nag-a-ASAP kasi magku-concert siya,” na ang tinutukoy ay ang next major concert ni Maja na “MAJAsty” na gaganapin sa Nov. 13, sa MOA Arena.

Bibili raw siya ng tiket sa concert ni Maja, “Hindi pa kami nagkikita, e. Pero oo (buy ng tickets), parang si Enchong (Dee) at Angeline (Quinto), kasi binentahan ako ng tickets.

“Suportahan, kanya-kanya, para part of growing up, part of growth sa showbiz industry. Wala namang masama du’n,” sabi ni Kim nang makachika ng entertainment media sa presscon ng bago niyang endorsement, ang FatOut herbal dietary supplement ng ATC Healthcare.

Ibinalita ng Kapamilya actress na hindi lang siya basta endorser ng FatOut dahil business partner na rin siya ng ATC.  Ayon kay Kim sa bawat nabebentang box ng FatOut, may ilang porsiyento raw nito ang mapupunta sa sinusuportahan niyang charity kaya para sa kanya level up na ang kanyang pagiging endorser.

Sey pa niya, bahagi ito ng kanyang pagbabalik ng lahat ng blessings sa kanya ng Diyos sa mga taong nangangailangan. Curious naman ang showbiz press kung bakit kailangan pang mag-take ng FatOut si Kim e, ang payat-payat na niya? “Maintenance kasi ‘yun, tsaka aside from helping you lose weight, magaling din siyang panlaban sa colon cancer.”

Sa tanong naman kung willing na ba siyang makasama sa trabaho sina Gerald at Maja na pareho, “Riot yun! Ngayon sama-sama? Combined powers? Hindi ko alam. Hindi ko alam… tingnan natin. Depende sa kuwento, bahala na.”

Sa huling tanong kung posible pa ba silang magkabalikan ni Gerald, “Kayo talaga, balik-balikan mo pa ‘yang nakaraan!” Dagdag ni Kim hindi raw siya yung tipong nakikipagbalikan sa kanyang ex, “Oo, wala na.

Past is past, sabi nga sa libro. Pero sobra na ka-ming friends. Kaming lahat friends. “Wag ka nang magtanim ng kahit anong galit kasi ikaw lang ang mapapagod,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending