Deadly kandila sa araw ng patay | Bandera

Deadly kandila sa araw ng patay

Leifbilly Begas - October 20, 2015 - 03:52 PM

kandila
Patuloy ang pagdating sa bansa ng mga imported na kandila na nagtataglay ng nakamamatay na kemikal.
t marami umano ang posibleng gumamit nito sa darating na Undas kaya nanawagan ang environmental group na EcoWaste sa Department of Health upang mapigilan ito. Ayon kay Thony Dizon ang mga imported na Chinese candles ay ginagamitan ng lead sa mitsa.
Kaya kung masusunog ang mitsa ay humahalo sa usok ang lead na maaaring masingkot at magdulot ng panganib sa kalusugan. Ang lead ay nakasisira ng utak lalo na sa mga bata at sanggol sa sinapupunan.
Kalimitan sa mga kandila na gawa sa bansa ay mayroong mitsa na gawa sa cotton. Nagsagawa ng test buy ang EcoWaste at lumabas na ang mga nabili nilang Chinese candle ay nagtataglay ng 17,300 hanggang 100,000 parts per million ng lead. Ang mga kandila na mayroong lead core wicks ay ipinagbawal sa Australia noong 1999, sa Finland noong 2001, sa Denmark noong 2002 at Amerika noong 2003.
Umaasa ang EcoWaste na diringgin ni Health Sec. Janet Garin ang kanilang panawagan na alisin sa merkado ang mga kandilang ito. Ang DoH ang nakasasaklaw sa mga produktong kandila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending