Radio anchor nagwala, ikinulong | Bandera

Radio anchor nagwala, ikinulong

- September 23, 2015 - 04:05 PM

claire-castro-e1442983546104
IKINULONG ang isang abogado at host ng panggabing programa ng DZMM na “Usapang de Campanilla,” sa Manila Police District (MPD) matapos mag-hysterical habang kinukuwestiyon ang legalidad ng pag-aresto sa kanyang kliyente Martes ng gabi.
Sinabi ng abogadong si Claire Castro, na nagpakilala sa mga reporter na empleyado siya ng ABS-CBN, na nandoon lamang siya para tulungan ang kanyang kliyente.
Siya ay ikinulong kasama ang kanyang asawa, secretary at kliyenteng si Jackson Chua na nahaharap sa kasong slander by deed at obstruction of justice, ayon kay PO3 Marlene Remetrio ng MPD-Women’s Desk.
Ayon kay Castro, inaresto umano si Chua sa SM San Lazaro noong Martes ng hapon ng walang warrant of arrest.
Makikitang sumisigaw siya, itinutulak ang mga pulis at hinihila palayo ang kanyang kliyente mula sa MPD Women and Child’s Desk, para maiuwi.
“Walang warrant sir, kinakaladkad sa SM Mall-San Lazaro. Walang complaint. Walang ginagawa sa SM Mall para arestuhin,” sabi ni Castro na halos sumisigaw na.
Nahaharap ang kliyente ni Castro sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004. Dinala siya sa MPD matapos ang entrapment operation. Inquirer

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending