Solon kinakabahan sa mall voting
Nababahala ang isang solon sa pagdaraos ng botohan sa mga mall dahil maaari umano itong paki-alaman ng mga negosyante na may pinapaboran na kandidato.
Ayon kay Paranaque Rep. Gus Tambunting, miyembro ng United Nationalist Alliance na sumusuporta kay Vice President Jejomar Binay, dapat pag-aralang mabuti ng Commission on Elections ang hakbang na ito.
“Medyo kinakabahan po ako sa planong yan dahil baka mas malaking problemang idulot kesa solusyon. So dapat bantayan natin lalo na ang mga negosyante na tumataya sa mga pulitiko,” ani Tambunting.
Nauna ng sinabi ng Comelec na hindi gaganapin sa mga mall na pagmamay-ari ng mga pulitiko ang halalan.
“There are businessmen, in this case mall owners, who are not politicians but are supporting certain candidates, how will the Comelec deal with this issue,” dagdag pa ng solon.
Dapat din umanong matiyak na mapapangalagaan ang integridad ng mga voting machines na dadalhin sa mall lalo at nagsasara ang mga ito ng 10 ng gabi kaya maaaring palabasin ang mga watcher.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.