La Salle nakalusot sa NU; Ateneo dinurog ng FEU | Bandera

La Salle nakalusot sa NU; Ateneo dinurog ng FEU

Mike Lee - September 07, 2015 - 01:00 AM

Mga Laro sa Miyerkules
(Smart Araneta Coliseum)
2 p.m. La Salle vs UP
4 p.m. UST vs FEU

PINALAWIG ng La Salle ang dominasyon sa National University nang paamuin nila ang nagdedepensang kampeon, 67-63, sa 78th UAAP men’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sinandalan ng Green Archers ang mga beteranong sina Jeron Teng at Jason Perkins para makuha ang panalo kahit nawala ang double-digits na kalamangan sa kaagahan ng laro.

Si Teng ay tumapos taglay ang nangungunang 18 puntos at ang kanyang pabandang buslo laban sa depensa ni Jeoffrey Javillonar ang nagbigay ng 64-59 bentahe.

Pinakamalaking kalamangan ng Archers ay 15 puntos, 45-30, ngunit nagtala sila ng mga errors at sina Gelo Alolino, Jayjay Alejandro at Jess Diputado ay nagtulong para makabalik ang Bulldogs.

Nagkaroon pa ng pagkakataon na makatabla ang Bulldogs sa huling 1:19 ng orasan pero sablay ang ikalawang free throw ni Alolino para sa 60-59 iskor.

May 13 puntos at 12 rebounds si Perkins at ang kanyang dalawang free throws sa ikalima at huling foul ni Alfred Aroga ang nag-akyat sa kalamangan nila sa tatlo, 62-59, para maibsan ang pressure sa La Salle.

Nagpasiklab din si Archers rookie Andrei Caracut na may 13 puntos, tampok ang tatlong triples, upang maging 4-0 si La Salle coach Juno Sauler kay NU coach Eric Altamirano na nagsimula sa second round ng Season 76.

Ipinamalas naman ng FEU ang mabangis na puwersa sa kahanga-hangang 88-64 panalo sa Ateneo sa ikalawang laro.

Si Roger Pogoy ay mayroong career-high 19 puntos upang pangunahan ang balanseng pag-atake para sa matikas na panimula sa liga ng Tamaraws.

May 25 puntos si Keifer Ravena pero kulang ang suporta sa kanya para lasapin ng Blue Eagles ang pinakamasamang pagkatalo sa huling mga taon sa liga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending