Gilas Pilipinas naka-silver sa 37th William Jones Cup | Bandera

Gilas Pilipinas naka-silver sa 37th William Jones Cup

Melvin Sarangay - , September 07, 2015 - 01:00 AM

TULUYANG sinelyuhan ng Gilas Pilipinas ang pagsungkit ng silver medal at ikalawang puwesto sa 37th William Jones Cup matapos nitong ilampaso ang Chinese Taipei-B, 96-67, sa larong ginanap kahapon sa Xinzhuang gymnasium sa Taipei, Taiwan.

Pinamunuan ni Gary David ang opensa ng Gilas sa kinamadang 22 puntos. Si Jason Castro ay nag-ambag ng 15 puntos habang si Moala Tautuaa ay kumana ng 12 puntos at siyam na rebounds mula sa bench. Si Ranidel de Ocampo ay nagdagdag ng 10 puntos para sa Gilas.

Tinapos ng Gilas ang kanilang kampanya sa Jones Cup na may 6-2 record.

“It’s not really what you want, but you take the positives out of it,” sabi ni Gilas coach Tab Baldwin.

“(Second place) is respectable. We came here primarily, like Iran, Korea and Japan, to get better for the FIBA Asia. And we have achieved that. We will take the positives out of the experience in the Jones Cup.”

Babalik naman si Baldwin at ang 16 Gilas players ng Maynila ngayong umaga para ipagpatuloy ang kanilang paghahanda para sa FIBA Asia Championship.

Pinahinga sina Marc Pingris at Dondon Hontiveros habang si Terrence Romeo ay hindi nakapaglaro sa ikatlong sunod na laro bunga ng left ankle sprain. Si Jimmy Alapag ay hindi na rin pinaglaro dahil sa quad muscle injury.

Bunga ng panalo, nakamit ng Pilipinas ang kauna-unahang ikalawang puwesto na pagtatapos sa taunang event na pinaghariang muli ng Iran na nagtapos na may 7-1 karta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending