Nancy Binay napagkamalang katulong ni Mayor; inutusan sa sariling bahay | Bandera

Nancy Binay napagkamalang katulong ni Mayor; inutusan sa sariling bahay

Jobert Sucaldito |June 23,2015
facebook
share this

Nancy Binay napagkamalang katulong ni Mayor; inutusan sa sariling bahay

Jobert Sucaldito - June 23, 2015 - 03:20 PM

nancy binay

TAWA ako nang tawa sa ikinuwento ng isang friend ko the other day. Tungkol ito kay kaibigang Sen. Nancy Binay nang mag-invite daw ang daddy nitong si VP Jojo Binay ng mga alkalde sa kanilang bahay.

If I’m not mistaken, breakfast iyon kaya pagkagising ni Sen. Nancy who was just clad in shorts and white t-shirt, agad itong tumungo sa kitchen at tinulungan ang mga kasambahay nila sa pag-serve ng breakfast. Hindi mo iisiping siya si Sen. Nancy dahil she just woke up – very simple ang suot at hindi umaastang mataas na pulitiko. Eto na ang siste, habang nagsi-serve sila ng breakfast, tinawag siya ng isang mayor at ang sabi raw, “Inday, pahingi rin ako ng pagkain”. Ang pobreng Sen. Nancy na hindi nakilala ng mayor said, “Opo Mayor”. Habang papunta ng kusina si Sen. Nancy, kinalabit ng katabing mayor ang nag-utos at sinabi raw na, “Hala ka pare, si Sen. Nancy yung inutusan mo.” Biglang namula nag-utos na mayor at nag-dialogue ng, “Talaga? Oh no. Kailangang makapag-sorry ako. Nakakahiya.” Pagbalik ni Sen. Nancy, bitbit nito ang isang plate of food at ibinigay sa nanghinging mayor. “Eto na po ang food niyo mayor”, ani Sen. Nancy. “So sorry po, Sen. Nancy. Hindi ko po alam na kayo pala iyon. Sorry po talaga,” hiyang-hiyang pagso-sorry ng mayor. “Okay lang po iyon. Bahay namin ito kaya dapat lang po na pagsilbihan po namin kayo. Hindi po ako senator sa bahay na ito, isa lang po akong anak at utusan ng tatay ko. Ha-hahaha!” pang-comfort ni Sen. Nancy sa nahihiyang mayor. When I heard the story from my friend, I called Sen. Nancy to find out if it’s true. At inamin naman niya ang insidente habang tumatawa. “Totoo iyon. Hiyang-hiya nga si mayor sa nangyari pero I told him he has nothing to worry dahil ganoon talaga ako sa bahay. Kaming magkakapatid ay utusan ng tatay at nanay namin sa bahay. Pag sinabi ng tatay kong ipagtimpla ko siya ng kape o dalhan ng tubig, sinusunod ko agad. Hindi kasi ako nakaayos nu’ng araw na iyon – naka-shorts lang ako at t-shirt. Ha-hahaha!” ani Sen. Nancy. Napagkamalang kasambahay si Sen. Nancy dala ng sobrang kasimplehan sa loob ng bahay nila. Hindi kasi siya mestisahin kaya hindi siya napagkamalang amo, di ba? That’s what I like about Sen. Nancy Binay – she self-deprecates. Hindi siya nag-iilusyong siya si Paris Hilton. Morena pa naman siya at hindi striking ang beauty pero kuwidaw ka, she is very charming at sobrang bait. Tawa lang ako nang tawa dahil isang senadora, napagkamalang kasambahay ng isang mayor. Kaya after ng meeting na iyon, mabilis na umalis yung mayor dala ng sobrang kahihiyan.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending