Sarah nasasaktan pag pinag-aaway sina Lyca at Darren | Bandera

Sarah nasasaktan pag pinag-aaway sina Lyca at Darren

- June 04, 2015 - 04:40 PM

DARREN ESPANTO, SARAH GERONIMO AT LYCA GAIRANOD (PHOTO: ABS-CBN)

DARREN, SARAH AT LYCA  (PHOTO: ABS-CBN)

Ni Ervin Santiago

INAMIN ni Sarah Geronimo na nasasaktan siya kapag pinagkukumpara o pinag-aaway sina Darren Espanto at Lyca Gairanod na pareho niyang naging “alaga” sa The Voice Kids season one.

Si Lyca ang tinanghal na first-ever grand winner ng The Voice Kids habang si Darren naman ang runner-up. Si Sarah ang tumayong coach ng dalawang bagets.

Sa interview kay Sarah sa presscon ng second season ng nasabing reality singing search ng ABS-CBN, sinabi ng singer-actress na apektado siya kapag may naririnig o nababasa siyang mga negatibong balita tungkol sa dalawa.

“Kasi naging coach nila ako at parte ako ng isyu na ‘yun. Parang na-misinterpret ako ng tao sa pag-campaign ko sa isang bata.

Kaya paulit-ulit akong nagsasabi kung gaano ako ka-proud sa achievement ni Darren, sa achivement ni Lyca at kung gaano ako naniniwala sa tiwala ni Lyca,” paliwanag ng Pop Princess.

Kasabay nito, ipinagtanggol din ni Sarah si Lyca sa mga bashers na nagsasabing kaya lang daw nanalo ang bagets sa TVK ay dahil sa nakakaawang buhay nito bilang isang batang basurera.

“Hindi lang siya all about sa hirap ng buhay, ipinakita din ng bata na deserving siya, na may talento din ang bata. Nagkataon lang na nakita ng Diyos at nakita ng mga tao na mas kailangan ng bata ‘yung prize.

“Ang hirap ng buhay ng bata. Ang sinasabi ng ibang tao ay naging ‘The Votes’ na, hindi. Kasi kahit naman sa America, sa American Idol, pagdating ng grand finals ay votes pa din ng mga tao ang masusunod. So ‘yun na lang po ‘yon,” depensa ni Sarah.

Samantala, proud na proud si Sarah sa achivements ng dalawa niyang alaga. Sey nga niya kay Lyca, “Napakalaki ng improvement nu’ng bata. Kasi si Lyca, alam natin the kind of environment she grew up in. Iba sa environment kung paano, how Darren was brought up. Kaya sinasabi ng ilan na sobra akong tutok sa bata, ‘yun ‘yung rason.”

“Darren has always been amazing. ‘Yung kanyang training nandoon, very polished na ‘yung bata. Recently, itong birthday concert ni Darren, nandoon ako, na-witness ko, napakagaling ni Darren as in sobra akong proud na makita ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahit hindi nakuha ni Darren ang title mismo ay pinagpala naman siya ng Diyos, na iba naman ‘yung plano Niya para sa kanya. ‘Yun ang lagi naming sinasabi sa mga bata, na hindi lang dapat naka-depende ang kanilang dream sa inuwi niyang title,” sabi pa ni Sarah sa nasabing panayam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending