Bagong boyband ipakikilala sa ASAP 20 | Bandera

Bagong boyband ipakikilala sa ASAP 20

Jobert Sucaldito - March 15, 2015 - 02:00 AM

michael pangilinan
MERONG bagong grupo ng bagets singers/performers na nabuo ang Star Music na kinabibilangan ng anak-anakan nating si Michael Pangilinan along with actors who can carry tunes na sina Brian Santos, Marlo Mortel and Joseph Marco at pinangalanan nila itong Harana.

Ang cute ng look ng apat na young males at ang gaganda ng selection sa binubuo nilang album under Star Records.
“Matagal-tagal na rin kasing walang boyband na napapanood sa ASAP kaya we decided to form this cutie-group Harana.

Ang gaganda ng selection sa album nila na available na very soon sa record bars. Ngayon ay launching ng group sa ASAP as they sing one of the cuts sa kanilang album na gagamitin na theme song sa Coco Martin-Toni Gonzaga movie.

Yes, finally, ready na sila for the launch,” ani Roxy Liquigan, head ng Star Records. Marami ang nagtatanong sa akin kung paano na raw ang singing career ni Michael kung kasali siya sa Harana? Di raw kaya makaapekto ito sa pagiging solo artist niya.

Siyempre hindi. Malinaw ang participation ni Michael sa group. The group will stay as it is kahit nagsosolo si Michael. Ganu’n din naman ang ibang members na busy sa kanilang respective acting careers.

Kumbaga, ang apat na ito ay magkakaroon ng tatak as Harana na mapapanood sa ASAP, sa ibang guestings, mall shows, etcetera. Michael continues to be a solo artist bilang singer on the other end.

“Sobrang saya ng grupo namin lalo na tuwing rehearsals. Magkakaibigan na kasi kami since the time na binuo kami. Ka-basketball ko sina Brian and Joseph.

Si Marlo lang ang bihira naming nakakasama dahil araw-araw ang taping niya at hindi naman siya nagba-basketball.
“Masarap din mapabilang sa grupo.

Dati hindi ako sanay mag-second voice pag sa kantahan pero dito ay natuturuan kami ng tamang voice placement. Malaking tulong sa akin ito as a singer.

Sa totoo lang, excited kami sa launch namin today sa ASAP kaya maaga pa lang tiyak ay nasa studio na kami,” ani Michael.
Malaking challenge ito sa apat dahil busy sila sa kanilang mga respective careers pero minsan isinasakripisyo nila ang ibang schedules nila para sa Harana.

Maganda kasi ang concept ng grupo – something new and fresh. And in fairness, maganda ang tunog nilang apat. Talagang alaga sila ng kanilang musical director na si Kiko Salazar at tutok sa kanila ang ilang staff ng Star Records.

Sa schedules lang naman hirap silang mabuo pero pag nagkakasama na, panalo talaga. Abangan din sila sa kanilang mga mall tours – talagang riot ito dahil on their own, may kanya-kanya silang fan following.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Congrats sa Harana at sa Star Music for this new addition sa music industry. Pa-cute na, may tono pa. He-hehehe!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending