Ate Vi kay Angel: Sana mas maging close pa kami! | Bandera

Ate Vi kay Angel: Sana mas maging close pa kami!

Ambet Nabus - December 21, 2014 - 03:00 AM

vilma santos
FINALLY ay natuloy na ang VSR (Voices, Songs and Rythm) event sa “Ala Eh Festival”  na ginanap sa Taal, Batangas noong Huwebes ng gabi. Naantala kasi ito dahil kay bagyong Ruby kaya noong Dec. 18 lang ito natuloy.

Ito ang taunang singing contest sa Batangas na talaga namang kaabang-abang dahil talagang pang-world class ang mga sumasaling Batangueño rito na ipinanlalaban sa mga national singing contests at reality shows sa TV.

Bongga ang event dahil sa backdrop pa lang ay winner na ang historical landmark na Taal Church o ang tinatawag na Basilica na inilawan ng bonggang-bongga kaya talagang Paskong-Pasko ang atmosphere sa paligid.

Kahit hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makatsikahan ang mahal naming idol-friend-kumare na si Gov. Vilma Santos, tunay namang nag-enjoy kami sa event though hindi na namin ito tinapos dahil  kailangan na naming bumalik sa Manila.

Sa hosts pa lang ng show ay kabog na kabog na dahil nandoon ang ampon naming si Luis Manzano, at sina Maxene Magalona, Arnel Ignacio, amigong Cesar Montano at si gandang Ai Ai delas Alas.

Imadiyinin na lang ninyo kung gaano ka-riot ang stage with five of them hosting the event. At tiyak na parehas ang naging hatol ng mga hinampalan dahil winner din ang line-up ng mga celebrity judges sa pamumuno ni Vehnee Saturno, kasama sina Rey Valera, Jamie Rivera, Ogie Diaz, Ejay Falcon, Jovit Baldovino, Rachel Alejandro, Tirso Cruz III at ang sobrang tinilian ng mga tao na si Angel Locsin.

“Sana mas maging close pa kami at sa pamilya namin soon,” bahagi ng speech ni Ate Vi nu’ng ipinakilala niya si Angel sa mga taga-Batangas. “Mahal na mahal ko ito,” hirit naman ni Luis nang siya mismo ang mag-introduce kay Angel as one of the judges.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending