Kris sobra na, pati si Ate Vi ipinahiya sa madlang pipol | Bandera

Kris sobra na, pati si Ate Vi ipinahiya sa madlang pipol

Cristy Fermin - July 03, 2014 - 03:00 AM


Kahit ano pang palusot ang gawin ngayon ni Kris Aquino, sabihin man niyang dyed-in-the-wool Vilmanian siya, ay napahiya at nilait at pinagpistahan na sa social media ang Star For All Seasons.

Ang tanging kasalanan lang naman ni Governor Vilma Santos ay ang pagiging thoughtful. Maalalahanin kasi ang magaling na aktres. Hindi lang naman kay Kris ginawa ‘yun ng Star For All Seasons kundi sa marami pang ibang mga taga-showbiz na malapit sa kanyang puso.

Pinadadalhan ng suman o atis ni Governor Vilma ang kanyang mga kaibigang artista at reporters, pinahahalagahan naman ‘yun ng kanyang mga inaalala, pero ngayon lang nagkaroon ng ganitong isyu dahil sa kagagawan ng taklesang si Kris Aquino.

Alam na nga niyang may konting mali sa ipinadalang note sa kanya ng aktres-politiko, alam naman niya na nang dahil du’n ay baka makatanggap ng mga pamimintas ang nagmagandang-loob sa kanya, pero ipinost pa rin ‘yun ni Kris sa kanyang IG.

Sa mga panahong ito ay wala nang ligtas sa pamumuna ng mga taong lulong sa social media. Konting kabyos lang ay malaking isyu na para pagpistahan nila.

Tama, ikinaliligaya niya ang pagpapadala sa kanya ng ensaymada ng Star For All Seasons, gusto niyang ipaglantaran sa buong mundo na naalala siya ng kanyang idolo, pero sana’y hindi na niya ipinost pa ang nilalaman ng card na alam niya namang may konting mapapansing mali sa spelling.

Kung nagmamalasakit si Kris at totoong nirerespeto at mahal niya si Governor Vilma, di sana’y naglitanya na lang siya nang naglitanya dahil sanay naman siyang mag-emote, kesa sa ipinost pa niya ang card na ayun na nga at naging isang pambansang kahihiyan na ngayon kung ituring ng iba tungkol sa aktres-politiko.

Masamang magkamali sa spelling? Perfect? Isang malaking krimen na bang maituturing ang paminsan-minsang kakapusan?

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending