Mga tatakbong VP sa 2016 takot na takot kay Ate Vi | Bandera

Mga tatakbong VP sa 2016 takot na takot kay Ate Vi

Cristy Fermin - April 01, 2014 - 03:00 AM


Maugong na maugong na ang pinagpipistahang pakikipagtambalan ni Governor Vilma Santos kay Vice-President Jejomar Binay sa darating na 2016.

Kinakabog na nga ang mga nagpaplanong tumakbo dahil sa tanggapin nila o hindi ay malakas talaga ang panghatak sa publiko ng aktres-politiko.

Nginingitian lang ng gobernador ng Batangas ang mga kuwento, maaasahan na ang ganu’n mula kay Governor Vilma, kahit kailan naman ay palagi lang siyang tahimik pagdating sa kanyang buhay-politika.

Palagi niyang sinasabi na hindi siya nagpaplano, dumarating na lang sa kanya ang oportunidad, ang kanyang mga nasasakupan ang gumuguhit ng kanyang kapalaran sa serbisyo publiko.

“Kahit kailan, wala akong sinasabing kahit ano, dahil kahit naman nu’ng una, walang-wala sa hinagap ko ang pagiging mayor ng bayan namin. Pero nagkatotoo, naging governor pa ako ng Batangas, hindi ko pinlano ang lahat ng ito.

“Tiwala ng mga kababayan ko ang nag-upo sa akin sa ganitong posisyon, sila ang nagluklok sa akin, kaya naman ginagawa ko ang lahat-lahat para hindi sila mabigo,” minsan ay sinabi sa amin ng magaling na aktres at huwarang politiko.

Maugong na ang kuwento tungkol sa pagtakbo ni Governor Vilma sa mas mataas na posisyon, marami pang magbabago mula ngayon hanggang sa 2016.

Pero mas nakararami nating kababayan ang nagsasabing hindi pang-governor lang ang posisyong naghihintay sa ganda ng kartadang ipinakikita ngayon ng ina ng lalawigan ng Batangas.

( Photo credit to Entertainment.Inquirer.Net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending