ANGEL: Basta ang ending, nagalit na lang ako kay JANET NAPOLES! | Bandera

ANGEL: Basta ang ending, nagalit na lang ako kay JANET NAPOLES!

Alex Brosas - November 14, 2013 - 03:00 AM


BILIB na talaga kami kay Angel Locsin.  In her desire to really help the victims of Yolanda typhoon ay gagawin niya ang lahat, even to the point of letting go one of her most cherished possessions – a muscle car.

Tulad nga ng nasulat namin dito yesterday, ipapa-auction ni Angel ang kayang 1970 Chevrolet Chevelle.  Unang nasulat sa Top Gear website na merong isang Good Samaritan na magpapa-auction ng imported na 1970 Chevrolet Chevelle.

Near-mint condition ang description sa naturang muscle car na obviously ay alagang-alaga ng may-ari nito. Ang description naman ng owner ng car ay “rather cute”.

Originally, ang plano ay ibenta ang car sa isang direct buyer at ibigay ang pinagbentahan nito sa Sagip Kapamilya Foundation. Pero nagbago ang isip ng  owner at nag-decide na ipa-auction na lang ang car.

Later, some enterprising followers of the website gave clues as to the identity of the owner which turned out to be Angel. The website writer googled Angel’s name and the car’s brand and viola, lumabas na si Angel nga ang may-ari ng karu.

Isang excerpt from Angel’s Sense and Style cover story read: “She is ‘not your typical sweet and quiet lady.’ True enough, she loves big, old Hummer and a 1970 Chevrolet Chevelle. She also has a penchant for guns.”

Sa interview naman, inamin ni Angel na nahirapan siya nu’ng una kung paano sisimulan ang pagtulong sa Yolanda victims, “Nu’ng nakita ko yung balita talaga, naiiyak ako.

Kasi nakikita ko yung mga naghihirap na tao, parang nakatambay lang ako sa Twitter feeds ko. She said, “Kasi, hindi ko alam kung paano ka makakatulong…kasi, ang layu-layo mo, di ba… kung papa’no ka ba makakatulong.

Basta ang ending ko, nagalit na lang ako kay (Janet) Napoles.”

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending