Jessy: Inisip ko na ring magpakamatay! | Bandera

Jessy: Inisip ko na ring magpakamatay!

|June 12,2018
facebook
share this

Jessy: Inisip ko na ring magpakamatay!

- June 12, 2018 - 12:05 AM

SA gitna ng mas umiinit pang isyu tungkol sa usaping depresyon at suicide, muling nakiusap si Jessy Mendiola sa madlang pipol na maging sensitive kahit paano sa feelings ng kanilang kapwa.

Sa kanyang Instagram account, may bagong hugot ang girlfriend ni Luis Manzano tungkol sa mga netizens na walang tigil sa pambu-bully at panlalait sa ibang tao.

Ipinost ng dalaga sa kanyang IG ang naging komento ng isa niyang follower tungkol sa relasyon nila ni Luis. Akala raw siguro nito ay nakakatawa ang kanyang mensahe.

“Hindi yun isa sa dahilan…yun talaga ang dahilan. Joke. Congrats! Ingatan mo si Luis. Without him, you are nothing,” ayon sa hater ni Jessy.

Ito naman ang naging sagot ng Kapamilya actress, “Hindi ako nagpapansin. Hindi ko din ipinagtatanggol ang sarili ko. Sa dami nangyayari ngayon about suicide and depression, kelangan maging maingat tayo sa salita natin.”

Inamin din ni Jessy na inisip din niyang magpakamatay noong kasagsagan ng pamba-bash sa kanya ng mga netizen.

“Nu’ng panahon na halos pagpikit ko, puro salita ng bashers ang nakikita ko pumasok na rin sa isip ko na magpakamatay. Sa araw-araw na nabubuhay ako noon, bakit napakasama ng ibang tao na mag-isip at magsalita? Alam ba nila ang totoo? Kilala ba nila ako?” aniya.

Kaya payo ng dalaga sa madlang pipol, “think before you speak.” Aniya pa, “‘You are nothing’ are such strong words. No one deserves those words.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending