Lolit Solis payag ding makipag-lips to lips kay Digong | Bandera

Lolit Solis payag ding makipag-lips to lips kay Digong

Jun Nardo |June 07,2018
facebook
share this

Lolit Solis payag ding makipag-lips to lips kay Digong

Jun Nardo - June 07, 2018 - 12:30 AM

NAGING mitsa ang halik ni Presidente Duterte sa isang Pinay OFW sa South Korea kaya sumabog na ang galit ni Kris kay Mocha.

Kung hindi niya inilabas ang lumang video ng father niyang si Ninoy Aquino na hinahalikan ng ilang Pinay nu’ng pabalik na siya ng bansa, nanatiling tahimik lang ang Social Media Queen.

Dahil nga sa halik na ‘yon, nagsagutan din sa social media sina Senator Win Gatchalian at Agot Isidro, huh! Alam naman ng lahat na number one critic din ni P-Digong si Agot kaya inasahan nang kakampi siya kay Kris at kondenahin ang pambabastos ni Mocha sa mga magulang ni Kris.

Tinanong namin si Manay Lolit Solis na kung hahalikan siya ni P-Digong, papayag din ba siya?
“Bakit hindi? Ikaw pa presidente iyon noh. Ipagmamalaki ko pa. Ha-hahaha! Gusto mo now na?” text sa amin ni Manay.

Ang tanong: Papayag naman kaya si President Duterte na halikan si Manay Lolit kapag nakita siya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending