Maine may bagong ka-loveteam sa gagawing pelikula, AlDub Nation nagwawala sa galit | Bandera

Maine may bagong ka-loveteam sa gagawing pelikula, AlDub Nation nagwawala sa galit

Jun Nardo |February 09,2018
facebook
share this

Maine may bagong ka-loveteam sa gagawing pelikula, AlDub Nation nagwawala sa galit

Jun Nardo - February 09, 2018 - 12:01 AM


MADALING malaman kung sino ang tinutukoy ng journalist na si Teddy Boy Locsin, Jr. sa tweet tungkol sa anak ng isang politician. Bilang respeto kay Locsin, minabuti naming huwag na itong pangalanan.

Umugong kasi sa AlDub Nation ang balitang sa ibang aktor daw ipapareha si Maine Mendoza.

Pinagbibintangan nila ang ilang taong malapit sa baguhang aktor komo may picture silang magkasama.

Siyempre, pinalagan ito ng ADN dahil si Alden Richards ang gusto nilang makasama ni Meng at wala nang iba.

Pati nga ‘yung gagawing show ni Alden sa New Jersey at Toronto, Canada sa Abril kung saan si Lovi Poe ang isa sa makakasama niya eh, inalmahan din ng fans.

Anyway, naging kakampi ng ADN si Teddy Boy dahil para sa kanya, dapat talaga si Alden pa rin ang kapareha ni Maine sa gagawing pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending