Angel: Alam ko kung ano ang feeling nang naagawan! | Bandera

Angel: Alam ko kung ano ang feeling nang naagawan!

Reggee Bonoan |August 30,2016
facebook
share this

Angel: Alam ko kung ano ang feeling nang naagawan!

Reggee Bonoan - August 30, 2016 - 12:01 AM

angel locsin

“HA-HAHAHA! Isang beses lang naman! Nu’ng nagbeso-beso lang. May girlfriend ‘yun, saka isa siya sa bestfriends ko sa showbiz!” Ito ang sagot sa amin ni Angel Locsin nang tanungin namin kung totoong niyakap niya si Sam Milby ng ilang beses sa premiere night ng pelikulang “Camp Sawi” kamakailan.

Nasulat kasi na huling-huling nagyayakapan sina Sam at Angel sa nasabing event at maraming nagtaka kung bakit ang aktres ang kasama ni Sam at hindi ang girlfriend ng aktor na si Mari Jasmine Jones.

Muli kaming tinanong ni Angel kung paano ang pagkakasulat, sabay paliwanag na, “I think nakunan naman ‘yun ng video kasi may nakita akong online, parang yakap na hello at congrats lang ‘yun,” esplika niya sa amin.

Talagang close raw sina Angel at Sam noon pa, dalawang beses na rin silang nagkasama sa trabaho, una sa Pinoy version ng Koreanovelang Only You noong 2009 at sa Maalaala Mo Kaya noong 2007.

At heto nga, muling magsasama sina Sam at Angel sa pelikulang “Third Party” ng Star Cinema kasama si Zanjoe Marudo sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.

Muling inulit-ulit sa amin ni Angel na, “Hindi ako naghahanap ng boyfriend, ate. Enjoy ako ngayon bilang single, chill lang.”

At para sa kaalaman na rin ng lahat, walang record si Angel na nanunulot o manunulot ng boyfriend ng may boyfriend. Kapag alam niyang may karelasyon ang lalaki ay hindi niya ito tinatalo dahil alam daw niya ang pakiramdam ng naagawan ng boyfriend.

Kaya you are safe, Mari Jasmine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending