Julia bagong reyna ng drama sa hapon; 'Doble Kara' hanggang 2017 pa | Bandera

Julia bagong reyna ng drama sa hapon; ‘Doble Kara’ hanggang 2017 pa

Ervin Santiago - August 19, 2016 - 12:05 AM

 

julia montes

FEELING blessed si Julia Montes dahil tumagal na ng isang taon ang afternoon series nilang Doble Kara sa ABS-CBN. At ang balita, baka umere pa ito hanggang 2017.

Nakachika ng ilang miyembro ng entertainment press si Julia sa taping ng Doble Kara kahapon sa Commonwealth, Q.C. at todo nga ang pasasalamat niya sa lahat ng loyalistang viewers ng serye.

“Kasi bukod sa napaka-challenging and hindi ko ine-expect na ibibigay sa akin ang role na ‘to, tapos eto pa po, biniyayaan kami ng mahaba-habang pagsasama naming lahat. So, ‘yun, talagang iba ‘yung journey na pinagdadaanan ng kambal (karakter niya sa soap bilang Sarah at Kara).

Sa kabila ng matinding hirap na dinaranas ni Julia sa kanyang dual role sa Doble Kara, nae-enjoy pa rin niya ang challenge ng bawat eksenang ginagawa niya.

“Siguro, ang sarap sa pakiramdam kasi ang ganda nagsimula ng kwento, klarong-klaro ‘yung characters ng kambal, so ngayon na may dilemma ‘yung dalawa, tapos nag-aagawan sa isang bata, masakit on both pero klaro po ‘yung pagkakasulat, so ayun, medyo natutulungan din po ako ng pagkakasulat,” paliwanag ni Julia.

Puring-puri naman ang aktres sa ipinapakita niyang akting sa serye kaya naman siya na ang tinaguriang reyna ng drama sa hapon. “Salamat po,” ang parang hiyang-hiya pang sabi ni Julia.

Diretsong tanong naman sa dalaga kung ano ang reaksiyon niya sa balitang sila na talaga ngayon ng Teleserye King na si Coco Martin? “Huwag po nating madaliin. Relax lang po tayo,” natatawang tugon ng aktres.

Aniya, pareho raw work ang priority nila ngayon ni Coco, “Kasi, ako, especially sa part ko po, kambal (ang role), ang hirap, baka mamaya maligaw, ma-destruct. So, mahirap po, baka mapabayaan ko ‘yung dalawang karakter.”

Napapanood pa rin ang Doble Kara after ng It’s Showtime kasama pa rin sina Sam Milby, Maxene Magalona, Mylene Dizon, Edgar Allan Guzman at marami pang iba. Ito’y sa direksyon nina Manny Palo at Trina Dayrit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending