Rep. Vilma Santos binigyan ng posisyon sa Kamara | Bandera

Rep. Vilma Santos binigyan ng posisyon sa Kamara

Leifbilly Begas - August 17, 2016 - 06:52 PM
     vilma santos Bagito man, itinalagang chair ng House committee on Civil Service and Professional Regulation si Lipa City Rep. Vilma Santos-Recto, ang star for all season na mas kilala bilang si Ate Vi.      Kasabay nito ay pormal ng itinalaga ng liderato ng Kamara de Representantes si Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr., dating Speaker, bilang chairman ng House special committee on West Philippine Sea.      Inanunsyo ni House majority leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas ang pagtatalaga sa dalawa sa kanilang mga posisyon.     Si ACT Rep. Antonio Tinio ay ginawang chair ng House committee on public information. Nangako si Tinio na agad na ipapasa ang Freedom of Information bill.      Si Zambales Rep. Cheryl Deloso Montalla ay itinalagang chair ng House committee on human rights; Negros Occidental Rep. Leo Rafael Cueva ang chair ng House committee on food security; Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing bilang chair ng House committee on Ecology; at Agap Rep. Rico Geron bilang chair ng House committee on cooperative development.      Hindi pa nakokompleto ang mga lider at miyembro ng mga komite sa Kamara kaya hindi pa nakakapagsagawa ng pagdinig ang mga ito.      Sinabi ni Farinas na wala pang chairman ang House committees on higher and technical education, on good government, on public works and highways at on banks and financial intermediaries.     Wala pa ring chair ang House special committee on Climate Change at on Bicol Recovery.      Sa Lunes, sinabi ni House committee on appropriations chairman Karlo Alexei Nograles na magsasagawa na ito ng pagdinig para sa P3.35 trilyong budget para sa 2017.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending