Quantcast

Fans ni Angel imbiyerna kay Ate Vi, ang bilis bumaligtad

By

vilma santos at jessy mendiola

NEGATIBO ang pagtanggap ng mga fans ni Angel Locsin sa mga retratong magkasama sina Congresswoman Vilma Santos at Jessy Mendiola.

Ayon sa mga tagasuporta ng dating girlfriend ni Luis Manzano ay napakadali raw magbago ng kulay ni Congresswoman Vilma, napakabilis daw niyang bumaligtad, akala pa raw naman ng mga ito ay maganda pa rin ang kanilang samahan ngayon.

Hindi pa handa ang kalooban ng mga tagahanga ni Angel Locsin na makitang tinanggap na ng ina ni Luis ang bago nitong karelasyon. Hindi pa rin nakapagmu-move-on ang mga tagasuporta ni Angel sa paghihiwalay nila ni Luis.

Pero ginawa lang naman ng Star For All Seasons ang nararapat. Ipinakilala sa kanya ni Luis si Jessy, alangan namang bastusin niya ang dalaga, mas hindi karapat-dapat ang ganu’n.

Natural lang na dahil tao namang pumasok sa kanilang tahanan ang bisita ay tao rin itong tatanggapin. Alangan namang ipagtabuyan ni Congresswoman Vilma si Jessy, silang mag-ina naman ang magkakaroon ng problema, tama lang ang ginawa niyang pagtanggap sa dalaga.

Sabi nga ng isang nakausap namin, “Si Vilma pa ba naman ang maaasahan nilang mambastos, e, napaka-generous niya sa pagbibigay ng respeto sa lahat ng tao? Mag-move-on na lang kasi sila, para tapos na ang kuwento.”

Iba ang pangnakaraan sa pangkasalukuyan. Ganu’n lang kasimple ang istorya nina Angel, Luis at Jessy.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement