Co-host sa Eat Bulaga dyowa na raw ni Alden; Aldub fans nagwala sa galit | Bandera

Co-host sa Eat Bulaga dyowa na raw ni Alden; Aldub fans nagwala sa galit

Alex Brosas - June 06, 2016 - 12:01 AM

alden richards at patricia tumulak

MAY bagong name na nali-link ngayon kay Alden Richards – si Patricia Tumulak.

Ewan kung paanong nagkaroon ng ugnayan ang dalawa, basta na lang sumulpot ang chikang nagkaroon ng romantic something between them kaya naman nagwawala ang Aldub fans. Super bash sila ngayon kay Patricia, kung anu-anong pambabarag ang ginagawa nila. As usual, hindi na naman nila ma-take na merong ibang girl ang nauugnay sa kanilang idol other than Maine Something.

One follower of Patricia said, “If I were you answer nyo nlng po ang issue between u and @aldenrichards02 para po matahimik na bashers, may peace of mind pa po kau and let god do d rest nlang. Syemore po kahit anong ignore nyo po ng issye andyan lang yan at nasasaktan kayo…sana po sagutin nyo nap o and thank u and god bless u more.”

Sumagot naman si Patricia and said, “Hindi po kami! Ang tanda ko na girl!” O, ayan, klaro ha, hindi dyowa ni Alden si Patricia kaya magsitigil na kayong AlDub fans. Manahimik na kayo. Kahit kailan ay panira kayo ng araw ng mga tao sa social media. Wala kayong ginagawa kundi magtatalak, magtatarang, mambasag.

Intindihin ninyo ang mga plantsahin ninyo, o kaya mga labahan ninyo na naghihintay sa inyo. Mga inday, intindihin ninyo ang pagbabantay ninyo sa mga tindahan. O kaya, mag-aral kayo. “Grabe ah hindi pa rin pala namamatay itong issue, Ilang beses ba dapat kailangang sabihin ni Patring na hindi sila,” said one fan.

“Ilang beses na sinagot ni Patring ‘to. Yung iba either hindi makaintindi or talagang ayaw lang maniwala kaya paulit ulit tinatanong. Patricia and Maine are friends. Prior to AlDub, nung baguhan pa si Maine, if you will observe sa mga posts nila before they interact sa Instagram and Twitter. Even nung AlDub Meets TVJ episode, madalas magkausap si Maine at Patricia.

“That would have been so awkward kung totoong may namamagitan sa kanila ni Alden. Ngayon na nagsalita na si Patring, for the nth time, tigilan na yang issue na yan,” say naman ng isa pang defender ni Particia.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending