Aabot sa 50 mga bahay ang natupok sa sunog na naganap sa Purok 2, Brgy. Culiat sa Quezon City. Nagsimula ang sunog alas 8:27 ng gabi ng Martes, Disyembre 29. Mabilis na kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials. Umabot sa 5th alarm ang sunog bago naideklarang under control. […]
Mayroong 157 na commercial flights ang naka-schedule na umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Miyerkules, Disyembre 30. Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), 22 na airlines ang may naka-schedule na commercial flights sa Terminal 1, 2 at 3 ng NAIA ngayong araw. Narito ang mga airlines at ang kani-kanilang mga […]
May handog na libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 ngayong araw ng Miyerkules, December 30. Ayon sa LRTA, ito ay bilang paggunita sa ika-124 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal. May itinalagang oras para sa libreng sakay sa LRT-2. Libreng makakasakay ang mga commuter mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 […]
Inaresto ng pinagsanib-pwersa ng Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police ang 35 katao na nagpakilalang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa San Mateo, Rizal. Sa ulat ng Philippine Army (PA), ikinasa ang operasyon sa Upper Patiis sa Barangay Guinayang. Naaresto ng mga tauhan ng Rizal Police Provincial Office at […]
May rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, Disyembre 29. Ito ay matapos ang anim na sunod na linggo na mayroong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo. May bawas na 25 centavos sa bawat litro ng kerosene at 5 centavos naman ang bawas sa bawat litro ng […]
Magkakaroon ng partial opening ang Skyway Stage 3 project ngayong Martes, Disyembre 29. Inanunsyo ni San Miguel Corporation (SMC) President at COO Ramon S. Ang na bubuksan na sa mga motorista ang apat na linya ng kalsada. Ang lahat ng pitong linya nito ay nakatakda namang buksan sa Enero 14. Snabi ni Ang na […]