35 miyembro ng MNLF arestado sa San Mateo, Rizal | Bandera

35 miyembro ng MNLF arestado sa San Mateo, Rizal

Dona Dominguez-Cargullo - December 29, 2020 - 04:00 PM

Inaresto ng pinagsanib-pwersa ng Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police ang 35 katao na nagpakilalang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa San Mateo, Rizal.

Sa ulat ng Philippine Army (PA), ikinasa ang operasyon sa Upper Patiis sa Barangay Guinayang.

Naaresto ng mga tauhan ng Rizal Police Provincial Office at 80th Infantry Battalion ang siyam na babae at 26 na lalaki.

Nakumpiska sa kanila ang iba’t ibang mga baril at mga bala kabilang ang .45 caliber pistol na may dalawang magazines at 18 bala, Shooters .45 caliber pistol na may apat na magazines at 22 bullets, apat na shotgun, limang hand-held communication radios, jungle knife, at mga military-type uniforms.

Ayon sa Philippine Army ang mga naaresto ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Winasak din ang 25 kubo na ginamit bilang kuta ng mga suspek.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending