Customs nagbabala sa publiko laban sa posibleng paglaganap ng pekeng Covid-19 vaccines
Binalaan ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko laban sa posibleng paglaganap ng peke at smuggled na Covid-19 vaccine.
Ayon sa BOC, may inilabas na pahayag ang Europol at US Department of Homeland Security sa posibilidad na paglaganap ng pekeng Covid-19 vaccine sa merkado.
Organisadong crime groups umano ang nasa likod nito.
Sinabi din sa abiso na sinusubukan nang ikalat sa merkado ng naturang crime groups ang pekeng influenza vaccines.
Paalala ng Customs sa publiko, maging mapagbantay at agad ireport sa pamahalaan kapag may ipinagbibiling bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.