Alden mahigit P200,000 nalikom sa livestreaming ng ML; pera ibibigay sa mga nasalanta ng bagyo
Umabot sa mahigit P200,000 ang nalikom ng aktor na si Alden Richards sa kaniyang isinagawang “streaming for a cause”, nitong Linggo, Nobyembre 15 ng gabi.
Nag-live stream si Alden ng kaniyang paglalaro ng Mobile Legends.
Hinimok ni Alden ang kaniyang fans na manood at ibahagi ang streaming at hinikayat silang mag-donate sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses.
Kapalit nito, may pa-giveaway si Alden na iPhone 11 pro max.
Sa kaniyang update sa Twitter, sinabi ni Alden na umabot sa P222,559 ang nalikom na donasyon.
Ang kabuuang halaga aniya ay ibibigay sa mga nasalanta ng bagyo.
“Maraming salamat sa lahat ng nag donate. Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa mga nasalanta ng bagyo,” ayon sa aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.