PATAY ang 36-anyos na lalaki habang malubhang nasugatan ang kanyang girlfriend makaraan silang barilin ng riding-in-tandem na humablot sa kanilang bag sa Quezon City kagabi. Dead on the spot si Marcus Ong dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo habang binaril nang tatlong beses ang kanyang girlfriend na si Kristy Cardenas, 23, na isinugod […]
BAGSAK sa kulungan ang babae na tinangkang magpuslit ng shabu sa loob ng kulungan sa Fairview Police Station sa Quezon City. Ayon sa ulat, dumating si Camie Olaguer sa presinto upang bisitahin ang isang lalaking na nakakulong dahil sa droga kahapon. Nang busisiin ang kanyang mga dalang gamit, nakita ang limang sachet ng shabu na […]
INIHAYAG ng Department of Agriculture (DA) na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang skinless longganisa at picnic hotdog ng Mekeni Food Corporation. Sinabi ng DA na ito’y base sa isinagawang confirmatory test sa mga processed meat products ng Mekeni. Idinagdag ng DA na bago pa man ang resulta ng confirmatory test, nagdesisyon na ang […]
MALIIT ang tiyansa na maging bagyo ang low pressure area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration. Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pagasa weather forecaster Aldczar Aurelio na nasa la-ying 420 kilometro kanluran hilagang-kanluran ng Puerto Princesa ang LPA. Pero sinabi ni Aurelio […]
PAGMUMULTAHIN ang sinumang magsasampay ng damit sa mga kalsada at pampublikong lugar sa Maynila, ayon kay Mayor Isko Moreno. Ang sampay ban, na bahagi ng Ordinance 8752 o “Tapat Ko, Linis Ko,” ay ipatutupad upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa harap at paligid ng mga establisimento sa siyudad, dagdag ni Moreno. Sa ilalim ng […]
INANUNSIYO ng Department of Agriculture na inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang dagdag na ayuda sa mga magbababoy na apektado ng African Swine Fever. Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, itataas sa P5,000 mula sa P3,000 ang ibibigay sa bawat baboy na isasaila-lim sa culling. Unang inanunsyo ng DA na babayaran ang mga hog raiser […]
NAIS ni Marikina City Rep. Bayani Fernando na ipagbawal ang pakikipag-kamay sa bansa para maiwasan ang iba’t-ibang uri ng sakit. Sa isang news forum ay sinabi ni Fernando na nagsumite siya ng panukala na nagbaba-wal sa pakikipag-kamay na nakaugalian na ng mga Pinoy bilang paraan ng pagbati. “Sa pamamagitan ng pagbabawal sa handshaking o pakikipag-kamay […]
KINASUHAN ng Philippine Drug Enforcement Agency ang Chinese businessman na si Xu Zhi Jian alyas Jacky Co at 16 na iba na sangkot umano sa pagpupuslit ng P1.8 bilyon na halaga ng shabu. Si Co ang idinidiin ni Sen. Panfilo Lacson na siya umanong nasa likod ng pagpasok sa bansa ng 276 kilo ng shabu […]
BUMAGSAK sa kamay ng batas ang suspek sa pagpatay sa babaeng Grab driver na ang bangkay ay natagpuan sa isang condominium unit sa Cainta Rizal noong Linggo. Ayon kay Lt. Col. Alvin Consolacion, hepe ng Cainta Police, naaresto sa Pasig kamakalawa ng gabi si Paolo Largado, isang dating call center agent na itinuturong pumatay kay […]
CRIME of passion ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pagpatay sa 22-anyos na babae na isinilid sa sako saka itinago sa bodega sa Brgy. Cupang, Muntinlupa. Nadiskubre ang bangkay ni Sheva Adare Mae Prementil, assistant supervisor sa isang supermarket sa Alabang at tubong-Bukidnon, Sabado ng gabi. Nagtamo ang biktima ng mga sugat sa ulo at […]
LUMALABAS na karnap ang inabandonang Toyota Vios na sangkot sa pag-araro sa napakaraming sasakyan at nag-iwan pa ng dalawang sugatan sa JP Laurel st. at Muelle de Sampaloc sa Maynila kahapon. Ayon kay Capt. Jaime Gonzales, hepe ng vehicular accident investigation unit ng Manila Traffic, ang Toyota Vios ay may plaka na UKE 450 ay […]