NAIS ni Marikina City Rep. Bayani Fernando na ipagbawal ang pakikipag-kamay sa bansa para maiwasan ang iba’t-ibang uri ng sakit.
Sa isang news forum ay sinabi ni Fernando na nagsumite siya ng panukala na nagbaba-wal sa pakikipag-kamay na nakaugalian na ng mga Pinoy bilang paraan ng pagbati.
“Sa pamamagitan ng pagbabawal sa handshaking o pakikipag-kamay ay maiiwasan ang pagkalat ng sakit,” giit niya.
Idinagdag ni Fernando na tinanggap na ng House Education Committee ang kanyang “napapanahong panukala.”
“Imbes na pakikipagkamay, pwede namang ilagay na lamang ng isang tao sa
kanyang dibdib ang kanyang kamay bilang paraan ng pagbati o kaya naman ay bahagyang yumuko,” ayon sa solon.
Hirit niya na noong araw pa dapat ipinagbawal ang pakikipagkamay dahil nagdudulot ito ng pagkalat ng mga sakit dulot ng bacteria o microorganism.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.