outbrain

Kelot nanlaban sa tandem, todas; GF kritikal

December 08,2019
share this

Kelot nanlaban sa tandem, todas; GF kritikal

December 08,2019
share this

PATAY ang 36-anyos na lalaki habang malubhang nasugatan ang kanyang girlfriend makaraan silang barilin ng riding-in-tandem na humablot sa kanilang bag sa Quezon City kagabi.

Dead on the spot si Marcus Ong dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo habang binaril nang tatlong beses ang kanyang girlfriend na si Kristy Cardenas, 23, na isinugod sa ospital ng mga saksi.

Ayon sa imbestigador, kalalabas lang ng isang restaurant sa Scout Reyes at Panay Ave., Brgy. Paligsahan ang magkasintahan nang buntutan sila ng riding-in-tandem.

Maya-maya pa ay hinablot ng isa sa nga suspek ang bag ni Cardenas subalit naagapan ito ni Ong.

Habang naghihilahan ang dalawa sa bag ay bumunot ng baril ang isa pang suspek at binaril ang mga biktima.

Ayon sa mga saksi, nakarinig sila ng apat o limang putok.

Tumakas ang mga kawatan na bitbit ang bag patungong Scout Chuatoco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending