Jacky Co, 16 iba pa inasunto sa P1.8B shabu smuggling
KINASUHAN ng Philippine Drug Enforcement Agency ang Chinese businessman na si Xu Zhi Jian alyas Jacky Co at 16 na iba na sangkot umano sa pagpupuslit ng P1.8 bilyon na halaga ng shabu.
Si Co ang idinidiin ni Sen. Panfilo Lacson na siya umanong nasa likod ng pagpasok sa bansa ng 276 kilo ng shabu na nasabat sa Manila International Container Port noong Marso 22.
Isiniwalat ni Lacson na nakalabas ng bansa si Co nang walang kahirap hirap ilang araw matapos ang makumpiskabang droga.
Sakay ng Philippine Airlines, lumipad si Co patungong Vietnam.
“Pagpapatunay lamang Ito na patuloy ang sabwatan ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno at ilang sindikato ng droga,” hirit ng senador.
Ayon kay PDEA director general Aaron Aquino, isinampa ang reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban kay Co at iba pa sa Department of Justice matapos ang kanilang backtracking investigation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.