Pagsasampay ng damit sa kalye, ibabawal sa Maynila
PAGMUMULTAHIN ang sinumang magsasampay ng damit sa mga kalsada at pampublikong lugar sa Maynila, ayon kay Mayor Isko Moreno.
Ang sampay ban, na bahagi ng Ordinance 8752 o “Tapat Ko, Linis Ko,” ay ipatutupad upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa harap at paligid ng mga establisimento sa siyudad, dagdag ni Moreno.
Sa ilalim ng ordinansa, bawal ang pagsasampay ng mga damit sa mga kable ng kuryente, poste at ibang lugar.
Bawal din ang paglalaba at pagpapatuyo ng mga damit sa mga gilid ng kalsada, sidewalks at iba pang lansangan.
Ani Moreno, may kaukulang multa at parusa ang lalabag sa ordinansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.