MALIIT ang tiyansa na maging bagyo ang low pressure area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pagasa weather forecaster Aldczar Aurelio na nasa la-ying 420 kilometro kanluran hilagang-kanluran ng Puerto Princesa ang LPA.
Pero sinabi ni Aurelio na magiging bagyo ang sama ng panahon kapag nakalabas na Ito ng Pili-pinas.
Gayunman, dahil nakapaloob ang LPA sa Inter Tropical Convergence Zone, makararanas ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na ulan at pagkulog at pagkidlat ang Mimaropa, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Makararanas naman ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ang Ilocos region, Cordillera, Cagayan Valley, at Aurora province dahil naman sa Hanging Amihan.
Ayon kay Aurelio, ang nalalabing bahagi ng bansa, kasama na ang Metro Manila, ay makararanas ng maaliwas na panahon maliban na lamang sa hapon o gabi kung saan makararanas ng mga pulu-pulong pag-ulan dahil naman sa thunderstorm.
Wala namang namamataan na bagong sama ng panahon sa bansa ang Pagasa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.