Nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na magkaroon ng unified curfew hours. Bunsod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19. Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, ipatutupad ito mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga simula sa Lunes, Marso 15. Epektibo ang nasabing curfew hours sa National […]
Itinalaga bilang officer-in-charge ng Philippine National Police si deputy chief for Administration Police Lt. General Guillermo Eleazar. Ito ay matapos mag-positibo sa Covid-19 si PNP chief General Debold Sinas na ngayon ay nasa quarantine facility na. Ayon kay Eleazar, bilang bahagi ng protocol, siya na muna ang tatayong lider ng pambansang pulisya. “Following the unfortunate […]
Nagsimula na ang plebisito para hatiin sa tatlo ang probinsya ng Palawan. Ayon sa Commission on Elections, mahigit 490,000 ang nakarehistrong botante sa Palawan mula sa 23 munisipyo. Kinakailangan na bomoto ng mga residente ng ‘’yes’’ o ‘’no’’ para makuha ang pulso sa paghahati sa Palawan. Nagsimula ang plebisito para sa ratification ng Republic Act […]
Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 2 ang Bulkang Taal. Base sa monitoring ng Phivolcs, nakapagtala ang bulkan ng 28 volcanic tremor episodes, apat na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa nakalipas na 24 oras. Ayon sa Phivolcs, tumaas ang seismic energy sa volcanic tremors […]
“Hindi nawawala ang P15-B” Ito ang iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ukol sa sinasabing ninakaw umanong P15 bilyong pondo nito. Batay sa Facebook post, sinabi ng ahensya na napunta ang pondo sa 711 ospital sa bansa. Bilang pang-ayuda anila ito sa gitna ng nararanasang pandemya at upang mapanatiling bukas para sa mga […]