Plebisito para hatiin ang Palawan sa tatlong probinsiya, umarangkada na | Bandera

Plebisito para hatiin ang Palawan sa tatlong probinsiya, umarangkada na

- March 13, 2021 - 09:28 AM

palawan plebisciteNagsimula na ang plebisito para hatiin sa tatlo ang probinsya ng Palawan.

Ayon sa Commission on Elections, mahigit 490,000 ang nakarehistrong botante sa Palawan mula sa 23 munisipyo.

Kinakailangan na bomoto ng mga residente ng ‘’yes’’ o ‘’no’’ para makuha ang pulso sa paghahati sa Palawan.

Nagsimula ang plebisito para sa ratification ng Republic Act 11259 o paghahati sa Palawan sa tatlong probinsya.

Sa ilalim ng bagong batas, ang Palawan del Norte ay bubuuin ng mga munisipyo ng Coron, Culion, Busuanga, Linapacan, Taytay at El Nido.

Ang Palawan Oriental ay bubuuin ng mga munisipyo ng Roxas, Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, Cayancillo, at San Vicente.

Ang Palawan del Sur ay bubuuin naman ng mga munisipyo ng Aborlan, Narra, Quezon, Rizal, Espanola, Brooke’s Point, Bataraza, Balacbac at Kalayaan.

Nakasaad din sa bagong batas na ang Taytay ang magiging capital ng Palawan del Norte, samantalang ang Roxas at Brooke’s Point ang capital ng Palawan Oriental at Palawan del Sur.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending