IAANUNSYO ng Philippine Basketball Association (PBA) ang magiging kapalaran ng 45th season nito ngayong Agosto matapos ang desisyon ng pamahalaan na ipagbawal ang mga sports events sa Metro Manila kapag inilagay ito sa general community quarantine (GCQ) bunga ng coronavirus (COVID-19) pandemic. Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial sa Inquirer nitong Sabado ng gabi na […]
ISINAILALIM sa quarantine ang buong kapulisan at health care personnel ng bayan ng Tudela, Misamis Occidental matapos namang makasalamuha ang isang health worker na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19). Sinabi ni Capt. Alibsar Daraba, officer-in-charge ng Tudela municipal police, na nagpadala na ng mga pulis mula sa iba’t ibang police station sa lalawigan para pansamantalang […]
INAALAM na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng lalaking walang ulo na nadiskubre sa dalampasigan ng Tawi-tawi kamakailan. Ani Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines, pinaniniwalaang dayuhan ang biktima. Narekober ang katawan ng biktima sa ibabaw ng mga bato sa dalampasigan ng Kinapusan Island, Brgy. Nusa-Nusa, […]
UMABOT sa 1,766 daga ang nahuli sa Baguio City Public Market sa isang-buwan na “Rat-Catching Challenge” habang naka-quarantine ang buong siyudad. Nagtapos ang paligsahan noong Huwebes at ginawaran ng P20,000 premyo na mula kay Mayor Benjamin Magalong ang mga nagwagi. Kasali sa kontes ang 30 seksyon ng palengke. “The results were computed based on the […]
NAGPOSITIBO sa coronavirus disease (COVID-19) ang isang jail officer at 18 preso sa Zamboanga City Reformatory Center, ayon sa mga otoridad. Sinabi ni City information officer Sheila Belen Covarrubias na dahil sa pinakabagong mga kaso, umabot na sa 30 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19, kung saan dalawa ang nasawi. “The inmates infected […]
NASAWI ang 84-anyos na lalaki na na-stroke habang hinihintay ang pamimigay ng social amelioration program Bacolod City kaninang umaga. Ayon sa ulat sa TV, naitakbo pa sa ospital ang biktimang si Gualberto Hurtado ng Brgy. Tangub subalit hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay nito. Napag-alaman na habang nakapila sa labas ng gym ng barangay […]
SINIBAK na ng Quezon City government ang miyembro ngTask Force Disiplina na nambugbog ng vendor sa Panay Ave. kamakailan. “The Quezon City Government has dismissed and terminated the services of the Task Force Disiplina member who inflicted physical injuries upon Michael (Rubuia),” ayon sa pahayag nito na ipinost sa Facebook. Ayon sa lokal na pamahalaan, […]
MAHIGIT 50 aktibista ang dinakip ng mga ototidad, na ginamit umanong dahilan ang enhanced community quarantine, ayon sa isang labor group. Sinabi ng Kilusang Mayo Uno na pinagdadampot ang mga aktibista kahit pa sumunod sa physical distancing measures ang mga ito. “This year, in keeping with the limitations imposed by the pandemic, protesters have focused […]
INULIT ng Metropolitan Manila Development Authority na hindi exempted ang mga healthcare workers na frontliners sa laban kontra Covid-19 sa “no motorcycle back-riding” policy na ipinaiiral sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). Ayon sa MMDA, sumusunod lamang sila sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). “We are […]
MULING umapela si Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang mga nasasakupan na labanan at palayasin sa kanilang komunidad ang mga miyembro ng New People’s Army. Ginawa ni Duterte ang apela makaraan na masugatan ang dalawang sundalo sa pag-atake ng komunistang grupo sa Paquibato noong Miyerkules. Sa kalatas, sinabi niya na ginawa ng NPA ang […]
HALOS wala nang espasyo sa mga ospital sa Metro Manila para sa mga tinamaan ng (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH). Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit inirekomenda ng kagawaran kay Pangulong Duterte na palawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon. “Based doon sa […]