UMABOT sa 1,766 daga ang nahuli sa Baguio City Public Market sa isang-buwan na “Rat-Catching Challenge” habang naka-quarantine ang buong siyudad.
Nagtapos ang paligsahan noong Huwebes at ginawaran ng P20,000 premyo na mula kay Mayor Benjamin Magalong ang mga nagwagi.
Kasali sa kontes ang 30 seksyon ng palengke.
“The results were computed based on the ratio of the catch and the number of stalls operating during the enhanced community quarantine period,” ayon sa city public information office.
Nanalo ang 10 stall na nagbebenta ng litson. Nakahuli ang mga vendor doon ng 79 daga.
Ang pinakamaraming nahuli naman ay ang 84 stall ng mga nagtitinda ng isda. Nakasilo sila ng 536 daga. –Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.