NASAWI ang 84-anyos na lalaki na na-stroke habang hinihintay ang pamimigay ng social amelioration program Bacolod City kaninang umaga.
Ayon sa ulat sa TV, naitakbo pa sa ospital ang biktimang si Gualberto
Hurtado ng Brgy. Tangub subalit hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay nito.
Napag-alaman na habang nakapila sa labas ng gym ng barangay ay sumakit ang ulo at dibdib ng matanda.
Sinabi ng mga opisyal ng barangay na mainit ang gym ng mga oras na iyon.
Si Hurtado ang ikalawang matanda na naiulat na namatay sa stroke
habang nakapila para sa cash aid ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.