Buong police force, health personnel sa bayan ng Misamis naka-quarantine
ISINAILALIM sa quarantine ang buong kapulisan at health care personnel ng bayan ng Tudela, Misamis Occidental matapos namang makasalamuha ang isang health worker na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni Capt. Alibsar Daraba, officer-in-charge ng Tudela municipal police, na nagpadala na ng mga pulis mula sa iba’t ibang police station sa lalawigan para pansamantalang magsilbi sa bayan.
Idinagdag ni Daraba na isasailalim sa 14 na araw na quarantine ang buong police force.
Sinabi naman ni Tudela Mayor Samuel Parojinog na kasama siya at ang lahat ng nurse at doktor ng Rural Health Unit (RHU) sa ika-quarantine.
Nauna nang nagpositibo ang isang nurse na nag-asikaso sa isang namatay na pasyenteng may COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.