Inquirer Archives | Page 25 of 118 | Bandera

Inquirer Archives | Page 25 of 118 | Bandera

Boracay resort ipinasara

IPINASARA ng lokal na pamahalaan ng Malay sa Aklan ang kontrobersiyal na Boracay West Cove resort sa harap naman ng patuloy na pagsasagawa ng operasyon sa kabila ng kawalan ng permit. Isinilbi ng mga opisyal at kawani ng munisipyo ang closure order sa Barangay Balabag, isa sa tatlong barangay sa isla. Noong isang buwan, nagtungo […]

Registered nurse nanguna sa mga magtatapos na kadete sa  PMA

PANGUNGUNAHAN ng isang registered nurse mula sa Iloilo ang mga kadeteng magtatapos ngayon taon sa Philippine Military Academy (PMA). Si Cadet 1st Class Jaywardene Galilea Hontoria, ng barangay Balabag, bayan ng Pavia ang siyang itinanghal na numero uno sa 282 miyembro ng PMA Alab Tala (Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas) Class of […]

Master plan para sa  Boracay ipi-presenta na ng Task Force

NAKATAKDANG i-presenta sa  Marso 15 ng inter-agency task force ang isang komprehensibong master plan para sa Boracay Island na naglalayong papanagutin ang mga establisyemento na lumalabag sa mga environmental laws. Sinabi ni Assistant Secretary Frederick Alegre, spokesperson ng Department of Tourism, na makikipagpulong din sina Environment Secretary Roy Cimatu, Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo at Interior […]

44 BIFF napatay sa Maguindanao-Army

Umabot sa 44  kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa dalawang araw na sagupaan ng militar at rebeldeng grupo sa Maguindanao, ayon sa militar Linggo. Bukod sa mga napatay, mayroon ding 26 kasapi ng BIFF na nasugatan, sabi ni Lt. Col. Gerry Besana, civil-military operations officer ng Army 6th Infantry Division. Ayon […]

PNP itinanggi na may terror threat sa Metro Manila

SINABI ng Philippine National Police (PNP) na hindi dapat magdulot ng pagkaalarma sa mga residente ng Metro Manila ang pagkakaaresto sa isang Maute group sub-leader sa Tondo kamakailan. Pinawi ni PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao ang mga pangamba na magiging target ang National Capital Region (NCR) matapos ang pagkakahuli sa Maute subleader na si […]

1 patay, 1 pa sugatan sa road-rage shooting sa Lucena City

PATAY ang isang lasing na tricycle driver, samantalang sugatan naman ang kanyang pasahero matapos ang nangyaring road rage shooting incident sa Lucena City bago magmadaling araw. Base sa ulat mula sa Quezon police kapwa lasing ang mga biktimang sina Diego Amante, 48, at Ruben Culinares, 39, nang gumala sa lungsod sakay ng isang tricycle ganap […]

Face mask bawal na sa mga nagmomotorsiklo sa Mandaue City

IPINATUPAD ng lokal na pamahalaan ng Mandaue City ang isang ordinansa na kung saan ipinagbabawal ang pagsusuot ng mga bonnet, face mask, ski-mask o kahit anong tela na matatakpan ang mukha ng driver at pasahero ng isang motorsiklo. Kinumpirma ito ni Traffic Enforcement Agency of Mandaue (Team) chief of operations Glenn Antigua. Sakop din ng […]

23 sugatan sa banggaan ng 2 bus sa Bohol

SUGATAN ang 23 katao matapos magbanggaan ang isang bus na sakay ang mga turistang Koreano at isang pampasaherong bus habang tumatawid sa isang tulay sa bayan ng Loay, Bohol kahapon. Sinabi ni PO1 Romel Ediong, ng Loay police station, na base sa testimonya ng mga pasahero, ganap na alas-5:40 ng hapon habang binabagtas nila ang […]

Patay sa tigdas sa Zamboanga City tumaas na sa 3

TUMAAS na sa tatlo ang bilang ng mga batang namamatay dahil sa tigdas sa Barangay Tumaga, Zamboanga City. Sinabi ni Tumaga barangay captain Jacky Lim na dalawang bata ang namatay mula sa kanyang barangay noong isang linggo habang ginagamot sa tigdas at komplikasyong dulot nito. Kinilala ni Lim ang mga biktima na sina Sheila May, […]

Sanggol patay sa sunog sa Zamboanga City 

PATAY ang dalawang-buwang gulang na sanggol samantalang sugatan naman ang kanyang ina matapos sumiklab ang sunog sa Doña Pura Drive malapit sa Veterans Ave., Zamboanga City. Kinilala ni City Fire Marshal, Superintendent Jhufel Brañanola ang biktimang sanggol na lalaki na si Ronel Ligid Jr. Sinabi ni Brañanola na nagsimula ang sunog sa bahay na tinitirhan […]

31 farm workers nalason sa halo-halo sa Nueva Ecija

NALASON ang 31 farm workers sa Rizal, Nueva Ecija matapos kumain ng halo-halo kahapon. Base sa ulat, nag-meryenda ng halo-halo ang mga biktima, na nag-aalis ng damo sa isang taniman ng sibuyas sa Barangay Estrella na inihanda ng may-ari na si Lina Guting, ganap na alas-10:30 ng umaga, ayon kay said Chief Insp. Manuel Catacutan, […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending