44 BIFF napatay sa Maguindanao-Army | Bandera

44 BIFF napatay sa Maguindanao-Army

- March 11, 2018 - 04:57 PM
Umabot sa 44  kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa dalawang araw na sagupaan ng militar at rebeldeng grupo sa Maguindanao, ayon sa militar Linggo. Bukod sa mga napatay, mayroon ding 26 kasapi ng BIFF na nasugatan, sabi ni Lt. Col. Gerry Besana, civil-military operations officer ng Army 6th Infantry Division. Ayon sa opisyal, naitala ang bilang ng mga nasawi’t nasugatan sa pamamagitan ng impormasyon mula sa mga residente, kabilang ang ilang kaanak ng mga kasapi ng BIFF. Matatandaan na unang nakasagupa ng 2nd Mechanized Battalion ang aabot sa 50 rebelde sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan noong Huwebes. Ayon kay Besana, umabot sa mahigit 100 ang bilang ng mga rebelde noong kasagsagan ng bakbakan dahil nagsama-sama ang tatlong paksyon ng BIFF. Bukod sa air assets ay gumamit ang militar ng artillery o kanyon dahil sa dami ng naispatang kalaban, at umabot ang sagupaan hanggang sa bayan ng Datu Unsay, aniya. Dahil sa sagupaan ay may lumikas na mahigit 500 pamilya, ayon pa sa opisyal. Bagamat tumigil na ang sagupaan noong Biyernes, patuloy pa ang pagtugis sa mga nalalabing kasapi ng BIFF, ani Besana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending