IPINASARA ng lokal na pamahalaan ng Malay sa Aklan ang kontrobersiyal na Boracay West Cove resort sa harap naman ng patuloy na pagsasagawa ng operasyon sa kabila ng kawalan ng permit.
Isinilbi ng mga opisyal at kawani ng munisipyo ang closure order sa Barangay Balabag, isa sa tatlong barangay sa isla.
Noong isang buwan, nagtungo si Environment Secretary Roy Cimatu sa resort at ipinag-utos ang demolisyon ng mga iligal na istraktura kasama na ang mga nakatayo sa mga rock formation.
Kinansela rin ng DENR ang 25-taong Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FLAgT) na ibinigay sa resort na sakop ang 998 square meters.
Inapela ng may-ari ng resourt na si Crisostomo Aquino ang desisyon sa Office of the President kung saan ito nakabinbin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.