Registered nurse nanguna sa mga magtatapos na kadete sa  PMA | Bandera

Registered nurse nanguna sa mga magtatapos na kadete sa  PMA

- March 14, 2018 - 04:01 PM

PANGUNGUNAHAN ng isang registered nurse mula sa Iloilo ang mga kadeteng magtatapos ngayon taon sa Philippine Military Academy (PMA).

Si Cadet 1st Class Jaywardene Galilea Hontoria, ng barangay Balabag, bayan ng Pavia ang siyang itinanghal na numero uno sa 282 miyembro ng PMA Alab Tala (Alagad ng Lahing Binigkis ng Tapang at Lakas) Class of 2018.

Nakatakdang dumalo ni Pangulong Duterte sa pagtatapos ng mga kadete sa Baguio City sa Linggo.

Nagtapos si Hontoria sa West Visayas State University at sandaling nagsilbi sa Coast Guard bago pumasa sa entrance examination sa PMA. 

Magiging bahagi siya ng Navy. Tatanggapin ng 25-anyos na anak na lalaki ng isang magsasaka at simple housewide ang Presidential Saber, Chief of Staff Saber, Academic Group Award, Spanish Armed Forces Award, at ang Australian Defense Best Overall Performance Award.

Sumunod naman sa top 10 ay si C1C Ricardo Liwaden, anak ng isang magsasaka sa bayan ng Barlig, Mt. Province, samantalang pumangatlo naman siC1C Jun-Jay Castro ng bayan ng Amulung, Cagayan.

Nasa top ten din sina Cadets First Class Leonore Andrea Japitan ng Butuan City (4th); Mark Jantzen Dacillo, ng Zamboanga City (5th); Jezaira Buenaventura ng Negros Oriental province (6th); Jessie Laranang ng bayan ng San Clemente, Tarlac province (7th); Paolo Briones ng Baguio City (8th); Jayson Cimatu ng Aurora province (9th); at Micah Reynaldo ng Bamban, Tarlac (10th). 

Tatanggapin ni Laranang ang Air Force Saber samantalang tatanggapin namanni Buenaventura ang Aguinaldo saber.

Si Hontoria rin ang Class Baron, ang pangatlong Baron na nasa top 10. Ang huling baron ay nagtapos noong 1951.

Sinabi ng PMA na 142 miyembro ng Alab Tala ang sasali sa Army, 71 Air Force, samantalang  68 ang lalahok sa  Navy. Aabot sa 210 ang lalaking kadete at 72 ang mga babaeng kadete. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending